PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Luat, Iloilo leg champion

Iloilo City , Philippines   – Ginamit ng beteranong internationalist na si Rodolfo Luat ang kanyang malawak na karanasan upang pigilan ang pananalasa ni Elmer Haya sa pamamagitan ng 11-9 panalo sa finals at makamit ang ikalawang titulo sa Manny Villar Cup noong linggo sa SM City dito.

Ang tagumpay ay nagbigay sa 51 anyos na si Luat ng halagang P300,000 na premyong nakataya sa ikasiyam na edisyon ng island-hopping series na ito na ipiniprisinta ng Senator Manny Villar’s Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports at hatid ng Camella Communities.

Nakasama din niya si 2007 World Pool championship finalist Roberto Gomez bilang tanging players na dalawang beses nanaig ng Villar Cup kung saan ang una ay ang Bacolod Leg noong November.

Pinagharian naman ni Gomez ang Davao Leg noong Agosto 2008 at Isabela Leg noong Abril.

  • Follow Us: