PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Looney Tunes Active! fun run

MANILA, Philippines - Magbabalik aksiyon ang Looney Tunes Active! fun run school tour ngayon sa pagdayo nito sa La Salle-Zobel sa University St. ng Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City na may 30-50 kabataan at magulang ang inaasahang sasali.

Ang ikalimang yugto ng school-hopping running circuit ay orihinal na nakatakda noong nakaraang linggo ngunit nakansela sanhi ng malakas na ulan. Ang karera ay nakatakda ngayong alas-3 ng hapon sa palibot ng Gym 3 ng paaralan na ang pasukan ay sa Gate 2.

Proyekto ng Warner Bros., na naglalayong mag-promote ng magandang kalusugan at aktibong pamumuhay ng mga batang may edad 4-12 anyos kasama ang kanilang mga magulang, ang naturang event ay suportado ng Alaska, Timex watches, Nestle Ice Cream, PT Kino, Sterling, JC Lucas, at Advance notebooks.

  • Follow Us: