PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Korona tangka ng Lady Stags vs Tigresses ngayon

MANILA, Philippines - Habang papalapit sa kampeonato, maigting na depensa at matalinong diskarte ang ilalapat ng San Sebastian upang tapusin ang serye at angkinin ang ikalawang sunod na korona sa Shakey’s V-League na ipinirisinta ng Cherifer, sa The Arena, San Juan City.

Humarurot ang Lady Stags sa opening game para illamado ang koponan sa best of three playoff nang pataubin ang Tigresses sa straight set na 25-17, 25-22, 25-19 panalo noong Huwebes upang duplikahin ang sweep ng three time champion sa nakaraang taong conference finals.

 “We hope to control again their main spikers and do well in our reception,” ani Roger Gorayeb na sasandal sa likod nina Thai import Jaroensri Bualee, Laurence Ann Latigay, Rysabelle Devanadera, Analyn Benito at ang top setter na si Charisse Ancheta.

Hahatak ng puntos, sisiguraduhin ni MVP no-minee Bualee ang pagsulong ng kampanya at ipinta ang isa pang titulo sa ligang hatid ng Shakey’s Pizza at pinrisinta ng Cherifer.

Tulad ng SSC, asam ng Lady Falcons na paluhurin at tapusin na ang serye kontra Lady Tams sa torneong suportado ng Accel, Mikasa, Mighty Bond at OraCare.

Matapos ang aksyon sa pagitan ng Adamson-FEU sa ganap na alas dos, pararangalan ang mga outstanding players na humataw sa kasalukuyang kumperensya.  

Kabilang sa mga awards na ibibigay ay ang best spiker, setter, server, digger at receiver, habang matindi ang kumpetisyon nina Cherry Vivas at Shaira Gonzales ng FEU, at Benito ng SSC para sa Cherifer’s most improve player award.

Sa kabilang banda, maugong rin ang pa-ngalan nina 2008 second conference winner Lou Ann Latigay ng SSC at ang tambalang Aiza Maizo at Michelle Carolino sa MVP title.

Samantala, tatangkain ng Tigresses na masakmal ang kalaban upang makatabla sa title series showdown at ipwersa ang sudden match.

Para sa UST mala-king parte ang magagawa ng pag-arangkada nina Mary Jean Balse, Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz, Carolino at Maizo sa reception upang buwagin ang tropa ng Lady Stags at hadlangan ang pagbulusok nito. (Sarie Nerine Francisco)

  • Follow Us: