PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Para kay Roach, mas madaling talunin si Mayweather

MANILA, Philippines – Sa pagitan nina American Floyd Mayweather, Jr. Sugar Shane Mosley at Puerto Rican Miguel Cotto, si "Pretty Boy" ang mas magiging madaling talunin ni Manny Pacquiao.

Ito ang pahayag kahapon ni American trainer Freddie Roach sa panayam ng Boxingscene.com ukol sa tatlong maaaring makasagupa ni Pacquiao bago matapos ang 2009.

"The easiest fight out of those three, in my opinion, is Mayweather," wika ng 49-anyos na si Roach. "The other two guys (Mosley at Cotto) are way stronger, way more physical."

Matapos talunin ni Pacquiao si Briton Ricky Hatton via second-round TKO noong Mayo 3, nangibabaw na ang mga pangalan nina Mayweather, Mosley at Cotto bilang mga posibleng sagupain ng Filipino boxing superstar.

"Look at Mayweather. He struggled against (Oscar) Dela Hoya and his fight with Hatton was competitive. And Manny killed both of those guys," pagkukumpara ni Roach sa laban ni Pacquiao at Mayweather kina Dela Hoya at Hatton. "I don't care what the excuses are. A fact is a fact. He (Mayweather) won a split decision against Dela Hoya. We did'nt lose a round either."

Pinabagsak ni Pacquiao si Dela Hoya sa eight-round noong Disyembre ng 2008, habang isang split decision naman ang itinakbo ni Mayweather kontra kay "Golden Boy" noong 2007.

Kung magiging madali ang laban ni Pacquiao kay Mayweather, tiniyak naman ni Roach na mahihirapan si "Pacman" kay Mosley.

"Mosley is fast, he is aggressive, he is strong and it looks like he would be the toughest fight out there," wika ni Roach kay Mosley, ang kasalukuyang World Boxing Association (WBA) welterweight king.

Isa naman kina Mosley at Cotto ang maaaring makaharap ni Pacquiao sa Oktubre, ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions.

"I think Mayweather would not really be available this year and I think Mosley or Miguel (Cotto) would be good candidates provided they got down to the catch-weight (144 pounds)," ani Arum. (Russell Cadayona)

  • Follow Us: