PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

RP-5 kampeon sa SEABA

KUALA LUMPUR--Naligtasan ng Philippines-Cebuana Lhuillier ang ilang kontrobersiyal na tawag na nagdala sa kanila sa foul trouble upang talunin ang Malaysia, 96-81 noong Huwebes ng gabi at maitakas ang kanilang ikatlong dikit na panalo sa Southeast Asian Basketball Cham-pionship dito.


Bunga ng panalo, nakakuha na ang Filipinos ng slot sa Asian Basketbal Conferederation championship sa susunod na buwan sa Harbin, China kasama ang runner-up na Malaysia.


Iginupo naman ng Thailand ang Vietnam, 81-77 para sa ikatlong puwesto.


"The boys just won’t give up despite the poor officiating," pahayag ni coach Aric del Rosario. "We still have a tendency to relax when we are having a big lead but more or less, this is a complete team."


Ibig pa rin ni del Rosaio na makuha ang ilang collegiate players na kasa-lukuyang naglalaro sa UAAP at NCAA sa pagsabak ng Philippines sa ABC at gayundin sa Sourtheast Asian Games sa Vietnam ngayong December.

  • Follow Us: