PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Stags lusot sa Blazers

Mismong ang College of St. Benilde ang siyang humukay ng kanilang sariling libingan matapos na sumablay ang desperadong jumper ni Al Magpayo sa huling 26 segundo ng labanan.


Mula sa dikitang 70-71, patungong 1:19 minuto ng sagupaan, nagsimulang kumulapso ang depensa ng Blazers na siyang sinamantala ng defending champion San Sebastian College upang iposte ang 73-70 tagumpay sa pagpapatuloy ng 79th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.


Ang kabiguan ng Taft-based cagers ang siyang tuluyan ng nagpatalsik sa kanila sa kontensiyon bunga ng kanilang 3-8 kartada, habang ang panalo naman ng Stags ang nagpalakas sa kanilang kampanya na mapasama pa sa Final Four bunga ng 6-4 win-loss slate.


Nagsilbing bayani ng panalo ng Recto-based dribblers ang 6-foot-7 na si Pep Moore nang sa huling 0.5 segundo ay nagsalpak ng layup upang pigilan ang tangkang three-game winning streak ng Blazers.


Nagsimulang kunin ng Stags ang trangko sa pamamagitan ng 7-0 bomba nina Red Vicente at Michael Gonzales ang nagbigay ng 62-55 kala-mangan may 8:55 ang nalalabi sa final canto.


Sa juniors, ipinaghiganti naman ng Greenies ang kabiguan ng kanilang senior counterpart matapos na kalawitin ang Staglets, 82-78 upang tuluyan ng okupahan ang isang slot sa Final Juniors Four. (MRepizo)

  • Follow Us: