PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

NCAA sa Makati Coliseum

Hangad ng San Beda College at Colegio de San Juan de Letran na manatili sa liderato sa pamamagitan ng kanilang tagumpay sa mag-kahiwalay na laro nga-yon sa NCAA men’s basketball tournament sa pagdako ng aksiyon sa Makati Coliseum.


Makakaharap ng Letran Knights ang Ma-pua Institute of Technology sa unang seniors game sa alas-2:00 ng hapon habang ang defending champion San Sebastian College naman ang asignatura ng SBC Red Lions sa alas-4:00.


Sa juniors division, bubuksan ng MIT Red Robins at Letran Squires ang aksiyon sa ganap na alas-9:30 ng umaga na susundan naman ng sagupaan ng SBC Red Cubs at SSC Staglets sa dakong alas-11:00. (Ulat ni Carmela Ochoa)

  • Follow Us: