PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Meralco, Petron at Alaska mag-uunahan sa pagbangon Energy Cola makikisalo

MANILA, Philippines - Hangad ng Energy Cola ang kanilang ikalawang su­­nod na panalo, habang pilit namang babangon ang Boosters, Bolts at Aces mula sa kani-kanilang mga unang kabiguan.

Lalabanan ng Barako Bull ang Petron Blaze nga­yong alas-5:15 ng hapon kasunod ang banggaan ng Meralco Bolts at Alaska sa alas-7:30 ng gabi sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor ang Energy Cola ng 90-87 panalo laban sa Air21 Express noong Oktubre 3 kung saan umiskor si Ronald Tubid ng game-high 19 points at nakakuha ng suporta mula kina Sean Anthony, Doug Kramer at Mick Pennisi.

“Hopefully, we can build on this win,” wika ni coach Junel Baculi sa Barako Bull. “We’ve got a lot of new faces, so we have to build up chemistry as soon as possible.”

Ipaparada naman ng Bolts, nakalasap ng 110-112 kabiguan sa nagdedepensang Talk ‘N Text Tropang Texters noong nakaraang Biyernes, sina Ronjay Bue­nafe, Mac Cardona, Sol Mercado, Jay-R Reyes at rookie Fil-Am Cliff Hodge.

Pareho namang nanggaling sa pagkatalo ang Boosters at Aces.

Yumukod ang Petron ni Olsen Racela sa Rain or Shine, 86-102, noong Oktubre 3, samantalang natalo ang Alaska ni Luigi Trillo sa San Mig Coffee, 83-103.

Ibabandera ng Boosters sina 2012 PBA Rookie No. 1 overall pick June Mar Fajar­do, Arwind Santos, Alex Ca­bagnot, Jay Washington at Joseph Yeo katapat sina Cyrus Baguio, Dondon Hontiveros, Mac Baracael, Sonny Thoss at Gabby Es­pinas ng Aces.

  • Follow Us: