PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Gilas ginulpi ang Taipei

TAIPEI--Magaang na kinuha ng Smart Gilas II ang kanilang pangalawang sunod na panalo matapos igupo ang Chinese-Taipei Team B, 99-68, sa 34th William Jones Cup International Basketball Tournament kahapon dito sa TPEC Gymnasium.

Ito ang pangalawang dikit na tagumpay ng Na­tionals ni coach Chot Re­yes matapos talunin ang Jordan, 88-78, noong Sabado.

 Nakatakdang labanan ng Gilas II ang Korea para sa kanilang anim na sunod na asignatura.

 Tinalo ng Korea, binanderahang muli nina imports Juan Patillo at Garrett Stutz, ang Lebanon, 94-78, para sa kanilang 2-0 record.

“Knowing that we’re playing a te Knowing that we’re playing a team younger than we are, the objective was not to be outworked and not to lose on hustle departments. We made sure to get the rebounds and run the fastbreaks, am younger than we are, the objective was not to be outworked and not to lose on hustle departments. We made sure to get the rebounds and run the fastbreaks,” wika ni Reyes.

Umiskor si Garvo Lanete, produkto ng San Beda College, ng team-high 21 points bukod pa sa kanyang 4 rebounds, 4 steals at 3 assists.

“Pagod pa ‘yon since he did laundry duty (Saturday night) being a rookie,” wika ni Reyes kay Lanete.

Nagtuwang naman sina Marcus Douthit, Joa­chim Thoss at Jay-R Reyes para sa pinagsama nilang 27 points at 22 rebounds.

 Smart Gilas 99 -- Lanete 21, Fonacier 12, Thoss 12, Tenorio 11, Douthit 11, Chan 7, David 7, De Ocampo 6, Reyes 4, Norwood 4, Baracael 3, Mercado 1.

Chinese Taipei B 68 -- Sung 22, Chou 17, Lo 10, Lin 9, Lung 8, Chen 2, Chung 0.

Quarterscores: 28-18, 53-32; 75-49, 99-66.

  • Follow Us: