PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Marquez, Bradley at Cotto puwede kay Pacquiao

Manila, Philippines -  Sa oras na magdesis­yon si Manny Pacquiao kung sino ang kanyang gus­tong labanan sa Nob­yembre 10 ay saka pa la­mang ito paplantsahin ni Bob Arum ng Top Rank Pro­motions.

“He’s going to fight on Nov. 10, but we’ll spend some time talking through everything and getting every­thing ironed out, and then I talk to the opponents and try to make a deal,” sa­bi ni Arum sa 33-anyos na si Pacquiao.

Nakatakdang magtu­ngo sa bansa si Arum sa su­sunod na linggo para kausapin ang Filipino world eight-division champion.

Kabilang sa mga ma­a­aring labanan ni Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) ay sina Juan Manuel Marquez (54-6-1, 39 KOs), Timothy Brad­­ley, Jr. (29-0-0, 12 KOs) at Miguel Cotto (37-0-0, 30 KOs).

  • Follow Us: