PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Boosters aasinta ng semis; playoff naman sa Kings

MANILA, Philippines - Mula sa kani-kanilang kabiguan, pipilitin ng nagdedepensang Boos­ters na makasikwat ng semis slot habang pakay naman ng Gin Kings ang playoff para sa isang semifinals seats.

Haharapin ng Barangay Ginebra ang Barako Bull ngayong alas-5:15 ng hapon, samantalang sasagupain ng Petron Blaze ang talsik nang Air21 sa alas-7:30 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Nanggaling ang Gin Kings sa 111-113 kabiguan sa Talk ‘N Text Tro­pang Texters noong Hunyo 24, ha­bang nakalasap naman ang Ener­gy ng isang 89-109 pagkatalo sa nasabi ring koponan ni Chot Reyes noong Hunyo 20.

Sina import Cedric Bozeman, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Nino Canaleta, Dylan Ababou at Rudy Hatfield ang muling aasahan ng Ginebra katapat sina balik-import Leroy Hickerson, two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller, Ronald Tubid, Danny Seigle at Don Allado ng Barako Bull.  

Bitbit ng semifinalist nang Rain or Shine ang 7-1 record ka­­sunod ang B-Meg (5-3),Talk ‘N Text (5-3), nag­dedepensang Petron Blaze (4-4),Powerade (4-4), Meralco (4-4), Ginebra (4-4), Barako Bull (3-4), Air21 (2-6) at nasibak nang Alaska (2-7).

 Nakatikim naman ang Boosters ng 82-103 kabiguan sa Elasto Painters noong Hunyo 20, samantalang nagmula ang Express sa 80-110 pagyukod sa Aces noong Miyerkules.

  • Follow Us: