PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Negros 2-0 na vs Batangas

BACOLOD CITY -- Pinagbidahan ni Dino Aldeguer ang pagkatay ng Negros Slashers kontra sa LBC-Batangas, 75-68, at kunin ang 2-0 abante sa kanilang MBA First Conference finals sa University of St. La Salle Coliseum dito.


Nagpaulan ng tatlong sunod na triples si Aldeguer sa 11-point cluster na naglagay sa Slashers sa kuntentong bentahe na 50-42.


Bagamat nagbanta ang Blades sa 64-60, pinatahimik sila ng Negros nang magtala ito ng 7-1 run na sinundan ng isa pang triple ni Aldeguer para sa 10 puntos na kalamangan may tatlong minuto na lamang ang nalalabing oras.


Nagtapos nang may 22 puntos, 6 rebounds, 2 assists at 2 steals si Aldeguer at nahirang na Hardcourt Hero ng Game Two.


Ngunit kaiba sa Game One, na madaling napagwagian ng Slashers, (89-80), matinding laban ang ibinigay ng Blades nang umabante pa ito sa kaagahan ng third quarter, 42-39.

  • Follow Us: