^

PSN Palaro

Paano na ang mga bata?

GAME NA! - Bill Velasco -
Ang kasalukuyang kaguluhang pumapalibot sa Palarong Pambansa ay nagpapahiwatig ng mas malaking problema sa sports sa ating bansa. Ipinapakita lang nito na wala talagang may kakayahan na magpatakbo ng sports sa kasalukuyang sistema ng ating gobyerno.

Dumarami na ang mga pananaliksik na tumutukoy sa sports bilang isa sa kinakailangan ng mga kabataan para lumaki bilang matitino’t kapaki-pakinabang sa lipunan. Bukod dito, ilang bilyong piso ang mababawas sa gastusin ng pamahalaan kung mas malusog ang ating mga mamamayan.

Parang magsawa tignan na kailangan pang brasuhin ng Philippine Sports Commission ni chairman Eric Buhain at House Committee on Youth and Sports ni Bacolod Rep. Monico Puentevella si Kalihim Raul Roco para lang matuloy ang Palaro.

Kung may sariling ahensiya ang sports, tulad ng isang Kagawaran o cabinet-level agency, hindi na mangyayari ito. Sa halip, napakalaking kahihiyan, ang natamo ng PSC, DepEd at maging ang Naga City, na magsisilbing punong abala ng kompetisyon.

Sa aking pananaw, ito ay isang sukat ng katapatan ng Ehekutibo sa kinabukasan ng ating bansa. Bakit ba, sa dinami-dami ng naging pangulo ng ating bansa, bihira ang talagang nagbigay ng importansiya sa sports, na hindi naman ganoon kalaki ang gagastusin, subalit napakalaki ng balik sa ating mga mamamayan? Ayaw ba nilang aminin na hindi sila nakakaintindi?

Ano na ang mangyayari sa sports sa ating mga pamahalaang lokal, paaralan at iba-ibang pribadong organisasyon? Magkakanya-kanyahan lang sila, at hindi na magiging parehas ang antas ng progreso sa iba-ibang larangan ng sports.

Kailangan pa bang magkaroon ng gulo bago kumilos ang pangulo upang bigyan ng permanenteng solusyon ang sports sa ating bansa? Sino ba naman ang hindi tutulong kung magkaroon tayo ng Department of Sport ? Magkakaroon ito ng sariling organisasyon na gagawa ng pangmatagalang plano para sa sports, at makakakuha ng kinakailangang pondo sa Pambansang pamahalaan.

Kung gugustuhin, marami namang paraan, eh.

Kung gugustuhin.

vuukle comment

ATING

BACOLOD REP

DEPARTMENT OF SPORT

ERIC BUHAIN

HOUSE COMMITTEE

KALIHIM RAUL ROCO

MONICO PUENTEVELLA

NAGA CITY

PALARONG PAMBANSA

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with