PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

CBF-PBL Partnership Cup di-dribol na

Sisimulan ng Blu Detergent at Montana Pawnshop ang kanilang kampanya para sa titulo sa nakatakdang pakikipagharap sa mga Cebuano sa pagbubukas ngayon ng Cebu Basketball Federation-Philippine Basketball League Partnership Cup sa Cebu Coliseum.


Makakasagupa ng Blu ang may kabilisang Granny Goose sa main encounter sa alas-7:30 ng gabi, habang haharapin naman ng Montana ang Hapee Toothpaste-Cebu sa alas-5:30.


Isang simpleng seremonya na kasama ang tradisyunal na parada ng mga teams kasama ang kani-kanilang muse ang siyang highlight sa pagbubukas ng naturang event na idinaos sa kooperasyon ng Cebu Basketball Federation sa pangunguna ng pangulong si Jack Huang.


Bagamat kasalukuyang nagsasagawa ng major overhaul ang Blu, kumpiyansa si coach Leo Isaac na gagana ang kanyang mga beterano.

  • Follow Us: