PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mendoza, PBAPC Player of the Week

Sa kauna-unahang pagkakataon, tatlong guwardiya ang naglaban-laban para sa Player of the Week at ito ay napagwagian ni Paolo Mendoza ng Sta. Lucia Realty.


Matapos ang mahbang diskusyunan ng mga miyembro ng PBA Press Corps, napasakamay ni Mendoza ang naturang award para sa linggong September 25 hanggang October 1.


Tinalo ni Mendoza ang dalawang matitinik na point guards na sina Jimwell Torion ng Batang Red Bull at Bal David ng Barangay Ginebra na muntik nang nanalo sa award.


Si David ay naging susi sa dalawang sunod na panalo ng Gin Kings kabilang ang huling overtime na panalo kontra sa kanilang sister team na defending champion San Miguel Beer.


Umiskor si David ng 16 puntos sa huling 50-segundo ng labanan upang itakas ng Gin Kings ang 97-92 pamamayani kontra sa SMBeer noong Linggo sa Ynares Center.


Hindi rin matatawaran ang ipinamalas ni Torion sa nakaraang dalawang panalo ng Red Bull na lumukob sa unang dalawang sunod na talo ng Thunder.


Ngunit may isang bagay na nag-angat kay Mendoza sa kanyang mga mahihigpit na kalaban.


"He’s doing a good job running the team. It’s a lot better than he used to before and right now, he’s starting to be a leader on the court," pahayag ni Sta. Lucia coach Norman Black.


Ang leadership ni Mendoza ang naging susi sa limang sunod na panalo ng Realtors na nagkaloob sa kanila ng solong pamumuno sa kasalukuyang eliminations ng PBA season-ending Governors Cup.

  • Follow Us: