^

PSN Opinyon

Tiananmen at EDSA, hindi pareho!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

DALAWAMPU’T TATLONG taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang Tiananmen Square massacre. Libu-libo ang nagtungo sa Tiananmen Square, Beijing, China, para iprotesta ang mga pang-aabuso ng gobyerno at isulong ang demokrasya at malayang pahayagan. Karamihan ng mga pumrotesta ay mga estudyante. Walang pinagkaiba sa mga kilos-protesta noong dekada sisenta/sitenta na nagmula rin sa mga mag-aaral ng UP at iba pang mga kolehiyo. Pitong linggo rin silang pinabayaan ng gobyerno, pero nang makita na lumalaki at lumalakas ang kilos – halos kalahating milyong tao na ang nasa Tiananmen Square – kumilos nang marahas ang militar!

Daan-daan, kung hindi libo ang namatay sa paglusob ng militar. Malaking pagkakaiba sa ating EDSA revolution, na naganap noong 1986, tatlong taong mas maaga. Sa atin, hindi lumusob ang military at pumanig pa sa mga tao. Sa China, walang awang nilusob ang mga mag-aaral at pinagbababaril, sinagasaan, at may mga hinuli. Kabalintunaan na ang tawag sa hukbong katihan ng China ay People’s Liberation Army (PLA). Wala silang pagsasalbang ginawa sa kanilang mamamayan noong araw na iyon! Ilang araw nang matapos ang marahas na pagpapaalis sa protesters, marami pa ang inaresto, pati na ang mga sumusuporta sa kanila! May mga tinangay na lang at hindi na nakitang muli. Dito magaling ang China, walang pakundangang paglalabag sa karapatang pantao.

Ang mahalaga lang naman sa mga otoridad ay ang posisyon at ang kanilang hawak sa kapangyarihan. Walang kinakatakutang parusa na maaaring ipataw sa mga ginagawa nilang kasamaan! Kaya mahirap kausapin ang China. Iba ang pag-iisip, iba ang pananaw. Hindi katulad ng karamihan ng mga bansa sa mundo, na may mga patakaran ukol sa karapatang pantao, demokrasya at kalayaan. Sa China, gobyerno ang importante. At kung ano ang gusto o nais ng gobyerno, iyan ang masusunod. Lalo na’t may PLA silang puwedeng gamitin, kahit sa sarili nilang mamamayan, kahit kailan. Kaya naman kung mag-isip hinggil sa mga isla sa karagatan ay ganun na lang. Sa kanila lahat, walang argumento, o kikilos sila ng marahas. Magtataka pa ba kung bakit ganito sila kumilos? Kung kanilang sariling mamamayan ay kayang patayin, paano pa ang taga-ibang bansa! Alam ng Vietnam iyan!

vuukle comment

ALAM

BEIJING

CHINA

DAAN

KAYA

LIBERATION ARMY

SA CHINA

TIANANMEN SQUARE

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with