^

PSN Opinyon

'Ano po ang palatandaan ng cancer sa suso at cervix?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

“Magandang araw po, Dr. Elicaño. Matagal na po akong tagasubaybay ng iyong column. Gusto ko lang pong itanong ang may kaugnayan sa breast at cervical cancer. Marami na akong nabasang artikulo ukol dito pero hindi ko ganap na maunawaan. Ano po ba ang mga sintomas ng dalawang sakit na ito? Marami pong salamat.”  — ELISA M. SANTOS, [email protected]

Maraming salamat sa pagsubaybay mo sa aking column.

Narito ang warning signs ng cancer sa suso: Kapag may nakapang bukol sa suso na kadalasan ay hindi masakit at kapag may lumalabas na dugo sa utong o di pangka­raniwang blood-stain.

Ang bukol sa suso sa simula ay hindi masakit at hindi rin matigas. Makikita ito sa dakong itaas o sa outer quadrant ng suso. Ang balat sa paligid ng bahaging may bukol ay bahagyang mamula-mula ang kulay.

May mga kaso na ang pasyente ay nagkakaroon ng mga kulane na isang palatandaan na nakakalat na ang cancer.

Ang paglaki ng atay ay masamang palatandaan na ang cancer sa suso ay kumalat na. Ang pag-collapse ng baga ay isa rin sa masamang palatandaan. Ang pag­kalat ng cancer sa buto ay maaaring mangyari.

Narito naman ang warning signs ng cancer sa cervix: Pagdurugo ng ari (vagina) lalo na pagkatapos ng pakiki­pagtalik, pagkakaroon ng discharge sa ari, pagkakaroon ng

dugo sa ihi o kaya’y pagdurugo ng rectum. Kapag ang cancer ay nakakalat na sa pelvic at para-aortic nodes, maka­darama ng pananakit sa ibabang bahagi ng likod.

Ang iba pang warning signs ay ang pagsusuka, pagkawala ng ganang kumain at ang hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang. Kinakailangan na ma-examine ng doctor ang pelvic para ma-determine kung gaano na kalawak ang cancer.

vuukle comment

ANO

CANCER

DR. ELICA

KAPAG

KINAKAILANGAN

MAGANDANG

MAKIKITA

MARAMI

MARAMING

NARITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with