^

PSN Opinyon

Mga naisakatuparan ni President Noynoy

SAPOL - Jarius Bondoc -

ANO na talaga, kuya? Nu’ng tila mabagal dumesisyon at kumilos si President Noynoy Aquino, binibira siya ng mga kritiko na kesyo walang alam kundi magpaputok ng baril at mag-PlayStation. Tapos, nang kumilos na siya at pinaipit sina Gloria at Mike Arroyo sa bansa para humarap sa mga sakdal ng anomalya, at pina-impeach sa mga kapartido si Chief Justice Renato Corona dahil sa pagtatakip para sa mga Arroyo, binatikos naman si P-Noy na masyadong inaapura ang proseso.

Sa likod ng pabali-baliktad na kritisismo kay P-Noy makikita marahil ang isa sa pinaka-malaking naisakatuparan niya nu’ng taong 2011. ‘Yon ay ang pagpapairal ng hustisya. Sa paliwanag si P-Noy, walang sinisino ang batas; maging malaki o maliit na tao ay dapat managot kapag nilabag ito. At ‘yon na nga ang ginagawa niya ngayon kina Arroyo at Corona.

Sa larangan ng ekonomiya, naging matumal naman si P-Noy. Huling buwan na ng 2011 nang maipa-bidding ang dalawang unang proyektong PPP (Public-Private Partnership). Nu’ng mga naunang buwan naubos ang oras ng Cabinet economic team sa pagrerepaso ng mga dati nang proyekto at kontrata. Ang naging resulta: Kokonti ang umandar na public works projects, bumaba ang employment rate (dahil ang gobyerno na pinaka-malaking employer sa Pilipinas ay hindi kumikilos), at dumami ang mga naghihirap at nagugutom. Sana naman ay tapos na ang panahon ng pagrerepaso at, sa pangako mismo ni P-Noy, mas pagbubutihin nila ang trabaho ngayong 2012.

Isa pang malaking nagawa ni P-Noy ay sa larangan ng foreign affairs. Nailantad niya sa buong mundo ang panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas (at Vietnam), bagay na ikinagalit ng mundo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

vuukle comment

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

HULING

ISA

KOKONTI

MIKE ARROYO

P-NOY

PILIPINAS

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with