^

PSN Opinyon

'Tatay ko, tatay ng anak ko kulong na!'

- Tony Calvento -

TINALI siyang parang aso. Iginapos ang magkabilang kamay at paa ng lubid at binuhol sa kahoy… Nanlaban siya subalit aangilan pa lang niya ang nanggagapos, pinagpupuk­pok na siya ng baril. Tanging ungol ang narinig sa masukal na bundok.

“Huwag po! Tay!” pagmamakaawa ng isang 13 anyos sa amang naglalaway sa batang katawan.

Ang noo’y 13 anyos ay itatago namin sa pangalang “Anne”. Dalawampu’t isang taong gulang na ngayon si Anne subalit sariwa pa rin sa kanyang alaala ang unang gabi ng panggagahasa umano ng amang si Mario Barceliña.

Tubong Bicol si Anne. Apat silang magkakapatid. Siya ang panganay. Trese anyos pa lang siya ng magkahiwalay ang kanyang mga magulang.

Hinati silang apat na magkakapatid. Napunta sa kanyang inang si Gelibeth ang pangatlo at bunso. Lumuwas sila ng Maynila habang naiwan naman si Anne at ang sumunod sa kanya na si “Marie” (di tunay na pangalan) sa ama sa Libmanan, Camarines Sur... sa bundok.

Mabait na ama daw itong si Mario subalit ang tumatak sa kanila’y ang pagkahilig daw nito sa babae. Dahilan para maghiwalay sila ni Gelibeth. Ang hindi inaasahan ni Anne, maging siya pala ay gustong papakin ng kanyang tatay.

Kwento ni Anne isang hating gabi… taong 2003… habang natutulog siya at Marie sa kwarto. Bigla na lang siyang ginising ng ama. Hinatak papunta sa kusina sabay tinalian.

“Bunuka niya ang hita ko saka tinali ang paa ko. Tapos po hinubaran niya ako. Pinasok niya ang ari niya sa ari ko,” pagbabalik tanaw ni Anne.

Pumalag si Anne subalit sinikmuraan siya ni Mario at pinalo siya ng baril sa ulo. Wala siyang nagawa kahit anong pagsigaw niya walang makakarinig. Nasa bundok sila at wala silang mga kapitbahay. Si Marie naman na noon ay walong taong gulang, hindi rin narinig ang kanyang paghingi ng saklolo.

Nang matapos si Mario kinalag niya ang tali. Sabay banta kay Anne, “Huwag kang magsusumbong… papatayin ko ang kapatid mo!

Naiwan sa kusina si Anne. Dito niya nakita ang dugo sa kanyang ari. Bakas ng pangbababoy ng sarili niyang ama. Gustong magsumbong ni Anne subalit naunahan siya ng takot at kahihiyan. Nagpaulit-ulit ang panggagahasa. Gabi-gabi… sa kusina kahit sa kwarto. Kapag tulog na si Marie papatong na daw ang ama kay Anne.

“Gabi-gabi ginagamit niya ko. Kahit meron ako,” kwento ni Anne.

Ang hindi alam ni Anne may pagkakataong nagising si Marie habang ginagalaw siya ng ama. Hindi naman nakapalag ang kapatid dahil din sa takot.

Sa loob ng apat na taon ang katawan ni Anne ang ginawang parausan ni Mario. Wala ni isang tao siyang pinagsabihan tungkol dito.

Buwan ng Marso 2007 umuwi ang kanyang ina sa Camarines para sa graduation day ni Marie sa elementarya. Inisip ni Anne na ito na ang pagkakataon niyang tumakas. Nagkaayos na sina Gelibeth at Mario nun. Magsusumbong na sana si Anne subalit nag-alinlangan siya.

Pinalabas ni Anne na luluwas siya sa Maynila para magtrabaho. Pinigilan siya ng ama subalit nagpumilit siya kaya’t naalis din siya ng bundok.

Tumuloy siya sa kanyang lolang si Avelina sa Parañaque habang namasukan siya bilang waitress sa isang turo-turo sa Pasay.

Hindi siya tumagal sa trabaho dahil nakaramdam siya ng madalas na pagkahilo. Naglilihi na pala siya ng panahong iyon.

Nilihim ni Anne ang kanyang kundisyon subalit napansin na ng kanyang lola ang paglaki ng kanyang tiyan.

Ilang ulit siyang tinanong ni Avelina subalit sa pagtanggi niya imposibleng siya’y mabuntis dahil wala siyang boyfriend.

Tinawagan ni Avelina si Gelibeth na noo’y nagtatrabaho na pala sa Marikina. Agad siyang pinuntahan ng ina sa bahay at kinausap.

“Anak…buntis ka ba? Kanino ba yan? Sa boyfriend mo?” tanong ni Gelibeth.      “Hindi po! Wala po akong boyfriend!” matigas na sabi ni Anne.

Sari-saring tanong ang narinig ni Anne lahat ito hindi niya nagawang sagutin. Nagsalita ang isa niyang tiyahin, “Eh…kanino yan! Sa tatay mo?”.

Tumahimik ang lahat. Balak pa sanang itago ni Anne ang totoo subalit naisip niya ang mga kapatid na babaeng naiwan sa bundok kasama ng kanyang ama.

“Kapag naglihim pa ako baka mga kapatid ko naman ang mabiktima,” pahayag ni Anne. Tumayo si Anne sabay amin, “Tatay ko po ang may gawa!”

Sa gulat ng kanyang ina. Nahimatay si Gelibeth.

Mabilis silang pumunta ng Bicol at nanghingi ng tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Dito niya sinumbong ang panggagahasa ng ama. Nagpatulong din sila na kunin ang kanilang mga kapatid subalit nakatunog daw itong si Mario.  

Bago pa sila tangayin ng ama. Tumakas na si Marie at kapatid na bunso. Habang ang pangatlo naman niyang kapatid na si “Baby” naiwan. Dinala siya ni Mario papuntang Maynila.

Nagtago itong si Mario habang dinidinig ang kasong ‘rape’ na kanilang sinampa sa Prosecutor’s Office Bicol. Sa kagustuhan naman ni Anne na makuha ang kapatid, hinanap niya kung nasaan ang ama. Sa Maricaban, Pasay ito natagpuan. Dito na siya humingi ng tulong sa amin at sa aming pakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng National Bureau and Investigation (NBI) nadakip itong si Mario. Sa Bicol Provincial Jail ang bagsak niya.

Nagpatuloy ang kaso laban kay Mario. Nabalitaan ni Anne na nailipat na sa Muntinlupa City Jail ang ama. Kaya’t bumalik siya sa aming tanggapan.

“Maraming salamat po sa Calvento Files sa wakas nakuha ko na ang hustisya sa sinapit ko sa aking ama,” pasasalamat ni Anne.

Sa ngayon, apat na taong gulang na ang kanyang anak kay Mario Masaya si Anne dahil sa wakas nakamit na niya ang hustisya sa pangbababoy ng ama.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo. Ang “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882KHZ (3:00-4:00 ng hapon) ang istorya ni Anne.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, si Anne ay isa lamang sa mga biktima ng pang-aabuso mula sa mga sariling dugo’t laman. Ang iba sa kanila pinili na manahimik na lamang dahil sa kahihiyan at sa pag-ibig sa isang tao na hindi karapat-dapat na tawaging ama. Anong klaseng magulang ang gagawa ng kahalayan at kakain ng sariling laman. Masahol ka pa sa demonyo. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Ang landline 6387285 at 24/7 7104038. Maari kayong magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

Email address: [email protected]

vuukle comment

AMA

ANNE

GELIBETH

KANYANG

MARIO

NIYA

SIYA

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with