^

PSN Opinyon

Endangered species

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

PAMBANSANG hayop? Kalabaw pero may nagsasa-   bing Tamaraw. Pambansang ibon? Philippine Eagle (Haribon) ngunit may namimilit na Maya raw. Grade 1 pa lang ay dinidikdik na ito sa kaisipan ng mga musmos sa sibika o araling panlipunan. Sa ating mga amoy lupa na, karaniwan ang nalilito o hindi maalala kung ano ang mga pambansang simbolo.

Malapit nang mabura ang problema dahil ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang Haribon at ang Tamaraw ay nagbibilang na lang ng araw. Ang mga hayop na ito na pawang mga    endemic  o dito lang matatagpuan sa Pilipinas ay opisyal nang naisama sa listahan ng “critically endangered  species” o mga uri ng hayop na dahil sa kakaunting natitirang bilang ay nanganganib na tuluyan nang mag-laho sa mundo.

Kamakailan ay napabalita ang pagbaril sa isa sa mga Haribon, si Kagsabua (Unity) na mino-monitor ng Philippine Eagle Foundation. Ito’y napatay at ginawang pulutan ng isang magsasaka sa Bukidnon. Tinatayang aabot 250 na lamang ang natitirang Haribon sa kagubatan. Kaya’t ang mga ito at lahat pa ng tinuturing na endangered ay pinuproteksyunan ng batas sa pamamagitan ng pagpa­pataw ng parusa. Ang nahuling suspect ay kakasuhan ng DENR at kapag mapatunayang nagkasala ay maaring makulong ng hanggang 12 years at magbayad ng P1 million na multa!

Ang Pilipinas ay pinagpalang mabigyan ng katakut-  takot na iba’t ibang uri ng likas yaman. Hindi pa man napa­paki­nabangan nang husto’y heto na ang mga signos na mau­ubusan na tayo ng panahon. Kailangan nating pangata­wanan ang ti­nakdang batas laban sa mga walang pakun­da­ngang naninira rito. Ito la­mang, kasama ng isang magandang educatio­nal campaign, ang para­an upang mai­pag­laban ang yamang ito. Mabi­gat nga ang parusa su­balit mas ma­bigat dalhin ang isang mundong ki­nalbo na ng likas yaman.

May kasabihan na hindi natin pag-aari   ang kamunduhan. Ito’y pan­samantalang pina­pa­hiram at pinaa­a­la­gaan sa atin para sa kapaka­nan ng susunod na henerasyon. Kung hindi tayo mumulat sa ating lambong, magi­gising na lang tayong wala nang maipapa­mana sa ating mga anak.

vuukle comment

ANG PILIPINAS

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

HARIBON

PHILIPPINE EAGLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with