^

PSN Opinyon

Ano ang sintomas ng cancer sa obaryo?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
“Magandang araw po, Dr. Elicaño. May itatanong lang po ako regarding cancer sa ovaries. Ano po ang mga sintomas ng cancer na ito? Ano po ang mga paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng cancer sa ovaries. Maraming salamat po and God Bless.”  —MILA PALMERO, San Jose del Monte, Bulacan

Karaniwan na hindi kinakikitaan ng sintomas kapag nasa early stage ang cancer na ito. Lumalabas lamang ang mga sintomas kapag nasa  malubha nang­ kalagayan. Magkakaroon ng abnormal na pagdurugo sa ari (vagina), may masasalat na tila namu­muong laman sa pelvis at nagbabago ang bowel habit.

Ang namumuong laman  ay made-detect kapag isinailalim sa routine physical examination ang pasyente. Fifty percent ng tumor ay hindi nade-detect at makikita lamang kapag nasa advanced stage. Nakakalat na ang cancer sa mga bahagi ng ovaries at hindi na ito maa­aring operahin pa.

Hindi mala­man ang dahilan kung bakit nagkakaron ng cancer sa obaryo subalit ipinaaalala na iwasan ang madalas na pagpapa-x-ray sa bahaging pelvis at abdomen. Nararapat na may protective shield ang bahaging pelvis at abdomen para maiwasan ang radiation exposure.

Operas­yon ang kada­la­sang reko­men­dado sa cancer sa obar­yo. Aalisin ang ovaries, uterus, fallopian tube, at mga kulani (lymph nodes) na na­kapaligid. Ang radiation theraphy at che­motheraphy ay maaa­ring isagawa para ma­lipol ang mga natiti­rang cancer cells.

vuukle comment

AALISIN

ANO

BULACAN

CANCER

DR. ELICA

GOD BLESS

KARANIWAN

LUMALABAS

SAN JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with