PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dagdag na ngipin vs illegal drugs

IGINIIT ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada na kailangan ng pamahalaan ang dagdag na ngipin laban sa illegal drugs.

Ang illegal drugs ay isa sa malalaking problema sa ating bansa at ito ay nagbubunsod ng iba’t ibang krimen. Lahat tayo ay pamilyar sa mga ulat ng rape, pagpatay, pagnanakaw at iba pang mga nakakikilabot na krimen na nagagawa ng mga taong nasa ilalim ng impluwensiya ng droga.

Ang nakalulungkot, tuluy-tuloy pa rin ang sindikato sa pagpapakalat ng salot na droga labis na pumipinsala sa buhay at kinabukasan ng mamamayan laluna ng mga kabataan.

Base sa datos ng Dangerous Drugs Board (DDB), walong porsiyento ng drug cases sa ating bansa ay nadi-dismiss lang bago pa man marinig sa hukuman. Sa mga kaso naman umano na naidudulog sa korte, humigit-kumulang na 7% lang ang nagreresulta sa conviction, 8% ay acquittal, habang 76% naman ng mga kasong ito ang nananatiling unresolved.

Ayon kay Jinggoy, ang sitwasyong ito ay bunsod ng kakulangan sa law enforcement resources, judicial and investigative reforms at inter-agency cooperation ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para sugpuin ang illegal drugs. Dahil dito ipinupursige ni Jinggoy ang kanyang Senate Bill No. 2912 na naglalayong lumikha ng Office of the Special Prosecutor for Dangerous Drugs.

Alinsunod sa panu­kala, ang lilikhaing tanggapan ang magsusulong ng prosekusyon sa lahat ng mga masasangkot sa illegal drugs kabilang ang sinumang opisyal ng pamahalaan, militar at pulisya na sinasabing nagpoprotekta sa mga ito.

* * *

Birthday greetings kina Davao Del Norte Governor Rodolfo Del Rosario (September 1); dating Cebu Congresswoman Clavel Martinez (Sept 4); Ilocos Norte Congressman Rudy Farinas at OSJEE’s Chief of Staff Simeon Garcia (Sept 5); at Zamboanga del Norte Rep. Bobong Carloto (Sept 8).

  • Follow Us: