^

PSN Opinyon

Simpleng salita, kaagad na pag-unawa

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SANG-AYON ako sa panukala ni Sen. Miriam Santiago na ang pananalita na dapat ginagamit ng gobyerno para magbigay ng mensahe at magsaad ng batas ay mada-ling intindihin. Alam na alam natin na ang mga batas ay nakasulat sa napakahirap intindihing pananalita na tanging mga abogado lamang ang nakaaalam. Ay bakit hindi, mga abogado rin naman ang nagsulat ng mga iyan. Mga pangungusap na tila walang sinasabi sa pagbasa ng ordinaryong tao. Mga salita na bihirang marinig na ginagamit sa pangkaraniwang konbersasyon.

Ayon sa abogadong nakausap ko, kaya ganito ang pananalita ng mga legal na dokumento o mga batas ay para paulit-ulit babasahin, at sana maintindihan. Kaya rin parang napakaraming sinasabi ay para hindi magawan ng paraan na ikutan ang batas ng mga gustong humanap ng butas at gumawa ng krimen. Pero sino rin ang makakahanap ng mga butas na iyan kundi mga abogado rin di ba?

Mabuti nga at sa mga talumpati nI President Aquino, madalas na siyang nagta-Tagalog imbis na puro Ingles, at mga simpleng salita ang madalas ginagamit. Ginagamit naman ito ng mga kritiko ng presidente at sinasabing hindi pormal pakinggan ang mga talumpati, lalo na kapag tila nagpapatawa pa siya. Pero tatanungin ko sila, gumawa sila ng pagsusuri kung ilan ngayon ang mas nakikinig kay President Aquino kaysa mga dating president?

Mahalaga ang komunikasyon. Kailangan din isipin na hindi naman lahat ay mataas ang pinag-aralan at nakakaintindi ng mga malalalim na salitang Ingles. Marami kasi riyan, kasama na ang ilang manunulat, na mahilig gumamit ng mga salitang isang propesor lang sa magandang kolehiyo ang makakaintindi, para magmukha rin silang ubod ng talino at tila mas angat kaysa sa mga iba nilang kasama, at ang akala ay buong Pilipinas ay nagbabasa ng kanilang mga komentaryo.

Kung tuluyang magiging batas ang panukala ni Santiago, mas marami na ang makakaintindi ng mga batas at patakaran ng gobyerno, pati na mga legal na dokumento. Walang masama sa simpleng pananalita, lalo na kung ang mensahe ay maiintindihan kaagad. Ano nga naman ang silbi ng malalalim na salita, kung hindi ka rin maintindihan? Kumprende?

vuukle comment

ALAM

ANO

AYON

BATAS

GINAGAMIT

KAILANGAN

MIRIAM SANTIAGO

PERO

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with