PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pulisya wala pa rin pinagbago

DALAWANG malagim na insidente ang sariwain natin ngayong linggo, sa pagbabaka-sakaling makatulong sa pagrereporma ng pulisya. Una’y ang Maguindanao massacre ng 57 babaing katunggali sa politika, abogado at media workers, eksaktong isang taon na ang nakalilipas, sangkot ang dose-dosenang pulis. Ikalawa’y ang pagpatay ng 25 pulis sa bakasyonistang overseas worker Alfonso de Vera at paslit na anak Lia Alyanna, pinagkamalang mga magnanakaw sa Parañaque nu’ng Disyembre 5, 2008.

Sa 197 katao ihinabla sa Maguindanao massacre, halos­ limang dosena ay mga pulis na loyalista ng politikong angkang Ampatuan. Isang dosena lang ang nakakulong para litisin. Ang iba ay nagtatago saan-saan o sumapi sa separatistang Moro Islamic Liberation Front. Bahagi sila ng private army ng mga Ampatuan. Palamon at pabaon sila nila kaya nang utusang bihagin at barilin ang tropa ng kalabang politikong angkang Mangudadatu, sunud-sunuran sila.

Pero ang mas masaklap pa, sa loob ng isang taon na nagngingitngit ang bayan sa brutal na pangyayari, hindi pa rin binuwag ng pulisya ang mahigit isang daang private armies sa kapuluan. Kaya patuloy ang patayan, at pang-aabuso ng political warlords sa taumbayan.

Sa insidente sa Parañaque, ang inasal ng 25 elemento

ng Special Action Force at Highway Patrol Group ay “shoot first, ask questions later.” Binaril nila ang mag-ama sa pag-aakalang mga inaaba­ngang kriminal. Nang makitang lumabas ang ama sa sasakyan bitbit ang duguang anak, pinaputukan pa lalo. Nitong Mayo 2010 lang sila naisakdal.

Leksiyon dito na galingan ang pagsasanay ng pulis. Pero nakita natin sa hostage taking sa Luneta nu’ng Agosto 23, 2010, na tila pelikulang katatawanan ang pulisya. Ang masaklap nga lang, mara­ming buhay ang napapahamak. Patuloy ang asal na “puwede na ‘yan” sa pulisya. Ni hindi hinigpitan ng PNP ang pagbawi sa mga armas na in-issue sa mga sinibak na pulis, tulad ng Luneta hostage-taker Capt. Rolando Mendoza.

  • Follow Us: