PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

RFID ng LTO, money making scheme ba?

KUNG tutuusin dapat tulungan ng gobierno ni GMA ang madlang people dahil sa hirap ng pitsa ngayon sa Philippines my Philippines halos lahat ay nagtaasan na ang bilihin mula sa gasolina, pagkain, pamasahe, damit, tubig at tiyak ang susunod na tuition fee for the year 2010 - 2011 echetera.

Kaya naman........... !

 SANGKATERBANG madlang people from all walks of life ang nagpapahayag ng desgusto sa implementation ng Radio Frequency Indentification Device ng Land Transportation Office dahil ito ay dagdag pasanin sa mga ma-e-erap na tsuper ng pampublikong sasakyan.

 Naku ha!

 Totoo kaya ito?

 Mukhang naka-advance na ang ilang bugok sa Land Transportation Office kaya pilit na itinutulak ang pagpapatupad ng ‘RFID’ sa people of the Philippines my Philippines.

 Ang ipinagpuputok ng butse ng mga drivers association na kontra todits ay ang P350.00 singil porke ang ibabayad nila sa LTO ay dehins specified para sa RFID kundi isinama ito sa computer fee.

 Bakit?

 Ang bayad ngayon ng mga tsuper sa computer fee ay P150 dinagdag ang pasakit na P350.00 kaya P500.00 ang makakaltas sa lahat ng bulsa ng vehicle owners sa Philippines my Philippines.

 Ilan sasakyan meron umaandar sa Republic of the Philippines my Philippines?

 Sabi nga, ilan?

 Magkano ang makokolekta nila todits?

 Magkano naman para sa kaban ng bayan?

 Ika nga, kung may papasok? Hehehe!

 At lalong magkano para sa bulsa ng mga bugok? Hehehe!

 Magkano nga ba?

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, alaws papel o mangyayari sa ipatutupad na RFID kung ang balak nito ay tirisin ang mga colorum vehicle na nagkalat ngayon sa lan­sangan dahil dati ng alam ng mga traffic law enforcer ang mga ka-iligalan sa kalsada.

 Kung talagang may ‘POLITICAL WILL’ sila, ang kailangan lamang ay palakasin nila ang kumpanya este mali kampanya pala at ipatupad ang nararapat na parusa para maubos kundi ay mabawasan ang mga illegal na sasakyan tumatakbo sa kalsada kabilang siempre todits ang mga gagong tsuper, carnap, colorum echetera.

 Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, regarding sa mga nakaw at colorum vehicles hindi puedeng bilugin ang mga traffic enforcers todits lalo na ang ‘flying coffin este mali squad’ pala ng LTO.

 Malayo pa ang sasakyan ay ramdam at duma­dagun­dong na ang mga dibdib ng mga traffic enforcers na sanay tumingin sa mga baluktot, kambal plaka, colorum, pekeng sticker echetera na nakaukit sa isang hot cake este mali car pala.

 Kung talagang para sa bayan at maalis ang sistema ng kagaguhan sa mga gagong driver impose lang ng LTO ang disipline at tamang pagpapatupad ng butas este batas pala susunod ang mga kamoteng tsuper at matatakot ang mga iligalista.

 Sabi nga, sa ikauunlad ng bayan bisekleta este disiplina ang kailangan! Tama ba Mr. Ariel Ureta?

 Ika nga, kahit walang RFID , tiyak huli!

 Panahon na para mag-aklas este mali maglakas loob pala ang madlang people sa Philippines my Philippines na kuestiyunin sa legal na paraan sa Supreme Court ang legalidad ng RFID project ng Land kotong este mali Transportation Office pala.

 Sa totoo lang isang dagdag na pasanin ito sa madlang owner ng vehicle kahit maliit ang halaga ng gustong i - kotong este mali singilin pala ng LTO.

 ‘Bakit ba pinipilit at parang nagpapakamatay ang ilang official ng LTO para ipatupad sa madlang owner ng vehicle ang RFID?’ Tanong ng kuwagong foolish cop.

 ‘Hindi ba ang computer system ng LTO ay kalimitan pumapalpak kaya marami ang umaangal todits?’ Anang kuwagong mangkukulam.

 ‘Ang RFID ay isang micro-chips na ilalagay sa sasakyan at ang computer din ang siyang magmomonitor todits kung titiktikan. Tama ba? Tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.

 ‘Paano ang rights ng mga rightist este mali madlang tsuper malabag kaya? Tanong ng kuwagong SPO -10 sa Crame.

 ‘Hindi daw malalabag’

 ‘Gaano kalayo ang sasakyan may RFID para mamonitor?’

 ‘Kamote, iyan ang itanong mo sa kanila’

 ‘Bakit ?’

 ‘Maliit lang daw ang range ?’

 ‘Eh, di palpak din’

 ‘Eh ano may pitsa naman...hehehehe!

 ‘Kaya nga money making scheme ba ito?’

 ‘Iyan ang ipasagot mo sa kanila’

 Abangan.

  • Follow Us: