PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Corruption at Immigration

ANG corruption at immigration ay magkaibang usapan ngunit natitiyak ko na may koneksyon ang dalawa. Una sa lahat, mayroon nang nangyayaring corruption sa pag escort ng mga undocumented OFWs mula sa airport papunta sa labas. Malaking problema ito, at ito ang dahilan kung bakit maraming OFW ang nagkakaroon ng hindi magandang karanasan sa abroad. Mabigat na problema man ito, hindi ito ang mas malalim na problema.

Ang mas malalim na problema sa tingin ko ay ang paglala ng kahirapan, dahil sa corruption. Anak nang anak na nga ito, dahil ang kahirapan din ang nagiging dahilan kung bakit maraming mga Pilipino ang nagsasapalaran sa ibang bansa, kung saan sila nakakatagpo nang mara­ming problema.

Nagiging biktima nga ng corruption dito sa Pilipinas kaya sila ay napilitang lumabas, nagiging biktima pa rin sila ng corruption tuwing sila ay umuuwi. Sa airport pa lang, biktima na sila ng kotong, hanggang sa pagsakay sa taxi, nagiging biktima sila ng mga driver na lumalabag sa kanilang prangkisa.

Ayon sa isang OFW na umuwi kalian lang, nagbigay daw siya ng one dollar sa mga taga-immigration, dahil humingi raw ang mga ito ng “tip” sa kanilang serbisyo. Bakit may tip pa samantalang may suweldo na sila sa gobyerno?

Ang one dollar ay maaring sabihin na maliit na halaga lamang, ngunit ang isyu rito ay hindi ang halaga ng dollar, kundi ang halaga ng mga OFW na dapat mabigyan ng sapat na serbisyo, dahil sila nga ang itinuturing nating mga nagligtas sa ating ekonomiya.

Kahit na maliit na halaga lamang ang one dollar, ang paghingi ng kotong ng mga taga immigration ay nagpapa­tunay na matindi pa rin ang corruption sa airport, isang masaklap na katotohanan na hindi magandang marinig, dahil umaasa sana tayo na naisaayos na yan ng gobyerno. May moral authority kaya ang gobyerno upang labanan ang corruption sa airport at sa buong bayan?

* * *

Makinig sa KOL KA LANG sa Radio Veritas 846 khz 5 to 6 Mon to Fri. E-mail:royseneres@yahoo.com, text 0916­3490402, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522   at 5267515. OFW Fami­ly Club 1986 Taft Ave. Pasay.

  • Follow Us: