PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Si Gordon at Puno

BANTOG sa “independent stand” at pagiging “outspoken” sa maraming isyu si Senator. Dick Gordon basta sa kanyang pananaw ay tama naman ang kanyang posisyon at pinaglalalaban.  

Hindi makakalimutan ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon ang pagbaklas sa US of A military bases noon panahon ni dating Prez Cory Aquino, itinaya ni Gordon, noon ay Mayor ng Olongapo City, ang kanyang name at reputation para dehins madaliin ang pag-alis ng base militar ng mga kano bagaman mainit noon ang madlang people na sipain na ang mga kano..            

Putol este mali tutol pala noon si Gordon hindi dahil “Amboy,” kasi nga walang paghahanda ang government of the Republic of the Philippines sa kinabukasan ng madlang pinoy na umaasa noon sa US military facilities, partikular sa Subic and of course sa Clark.  

Alam din ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kidnapping issue ni Italian priest at Red Cross volunteer, na si Fr. Eugenio Vagni na up to now ay nasa kamay pa ng mga kamoteng Abu sayad este mali Sayyaf pala kaya naman binatikos ni Dick ang militar regarding this matter.  

Kaya naman dehins takot at sanay na sa controversial si Dick at kayang panindigan ang kanyang mga sinasabi na kung aaraling mabuti ay mayroon namang mga basehan.   Kaya naman lamang si Dick sa mga kasamahan niya sa Senado na handang mapanis ang laway sa pananahimik kesa mapatunayan sa media at publiko na matindi ang kanyang mga sinasabi oras na bumuka ang bibig nito.  

Kaya naman natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, na “all-out” ang suporta ni Dick sa pagtakbo ni DILG Sec. Ronnie Puno bilang Vice-Prezs sa 2010 election dahil hindi sumisipsip at may gusto lang ang dating ‘amboy’ kay Ronnie.  

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matagal na palang mag-best of friend si Dick at Ronnie kaya alam ng una na “very much qualified” si Ronnie sa kanyang ambition maging Vice- Prez ng Philippines my Philippines.            

Sabi nga, true friend ang dalawa!  

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binabalak ni Dick  na pormal nang sumali sa Lakas-Kampi-CMD, ang partido ng administrasyon at pinakamalaking political party ngayon sa Philippines my Philippines.            

Esep-esep pa rin si Dick na sumali sa ‘PALAKA’ (Partido Lakas-Kampi), tinitiyak naman niyang kukuning ka-tandem si Puno sakaling siya ang “mabasbasan” na maging panlaban ng administrasyon sa 2010 presidential race.  

Alam ng madlang people sa Philippines my Philippines ang ‘qualification’ ni Ronnie kaya hindi na ibibida pa ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito.  

Abangan.

Media na naman

DAPAT kalmahin ng militar at police ang madlang people partikular sa National Capital Region kasi pinamalita na nilang may four gagong bomber ang rebeldeng Muslim at anuman oras ay may sasabog sa Metro-Manila. Naku ha! Hindi ba nila alam dahil sa anunsiyong ito ay maaring bumagsak ang ating economy?

Anong say mo, Prez Gloria Macapagal Arroyo?

Bakit ang madlang people ay tinatakot pa samantala dati na itong mga takot?

Totoo kaya?

Tuloy sa pangyayaring bombahan blues ay puedeng bumagal ang takbo ng ekonomiya sa Metro-Manila dahil ang madlang pinoy ay maaring hindi na mamasyal sa mga malls, restaurant, manood ng sine echetera.

Sabi nga, hindi na gumastos!

Paano ngayon ang eko­nomiya sa Metro-Manila ngayon?

Sa isang panayam kay NCRPO Boysie Rosales, media ang itinuturo niya ngayon na may kagagawan ng balitang bombing.

Naku ha!

Kaya daw nag-red alert ang kaputulisan este mali kapulisan pala sa Metro-Manila ay dahil nabasa, napanood at narinig sa media na andito na daw ang 4 muklong bomber.

Ay buhay, pinoy MEDIA, na naman ang may kasalanan!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bakit media ang sinisisi hindi ba ang laki-laki ng intel fund ng militar at kapulisan para malaman nila kung ano ang totoo.

Abangan.

  • Follow Us: