PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

MMDA Chairman Fernando, basahin niyo 'to!

MALAKI ang pakinabang ng mga footbridges para sa kaligtasan ng mga pedestriyang tumatawid sa kalsada at naisasaayos din ang daloy ng trapiko.

Subalit ang katotohanan, sa kabila ng epektibong proyektong ito ng Metropolitan Manila Development Authority, ginagamit ito ng ilang malokong kalalakihan sa kanilang bastos na gawain.

Ang tinutukoy ng BITAG ay ang mga mambobosong pasimpleng pumupuwesto sa ilalim ng footbridge upang manilip ng mga kababaihang naka-short at nakapalda na umaakyat at bumababa ng footbridge.

Napakadali na nga lang naman isagawa ito, e sa lalaki at luluwang ng mga pagitan o awang ng hagdanan ng MMDA footbridge talagang kita na ang kaluluwa ng mga kababaihang tumatawid dito.

Dahil dito patuloy na nakakatanggap ang BITAG ng mga sumbong at reklamo ng mga kababaihang pedes­triyan tuwing sila’y nasisilipan.

Inumpisahan na ng BITAG ang panawagang ito noong 2005 kay MMDA chairman Bayani Fernando. Gagawan nga raw nila ng paraang na malagyan ng harang ang malalaking butas ng hagdanan.

Taong 2009 na ngayon, pagsilip ng BITAG sa mga pangu­nahing kalsada sa Metro Manila kung saan may MMDA Footbridge, wala pa ring pagbabago.

Ang siste, nadagdagan pa nga ang pagpupuwestu-han ng mga bosero. May mga nakatayo nang public urinal para sa mga kalalakihan sa ilalim mismo ng mga hag­danan ng MMDA footbridge.

Ang estilo ng ilang mam­boboso, kunwari ay gagamit ng mga public urinals na ito subalit mamaya-maya lang, makikita mong nakatingala na at haping-hapi sa panono­od este paninilip sa mga bu­mababa.

Sa imbestigasyon ng BI­TAG, naikumpara naming ang mga MMDA footbridge sa over­ pass at footbridge ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

May takip naman ang pa­gitan ng mga hagdanan nito at kung ang dahilan ng MMDA footbridge sa kanilang mala­laking uwang ay upang mada­ling linisin, nagawan naman ng paraan ito ng Quezon city.

Solid steel pa nga ang ka­nilang mga gamit, may butas-butas na sinlaki ng holen la­mang ito para madaling mali­nis at hindi maipon ang tubig.

Hangga’t nagbibingi-bingi­han at nagbubulag-bulagan si MMDA Chairman Bayani Fernando sa problemang ito, asahang dadami pa ang mag­sasamantalang bastos na tatambay sa ilalim ng footbridge na ang gawain lamang ay mamboso!

Ikaw ba, matitiis mo bang padaanin ang mga mahal mo sa buhay na kababaihan na tatawid sa footbridge na ito kung sila’y naka-bestida, na­kapalda o naka-short lamang?

  • Follow Us: