PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Parusahan ang mga Hudas!

DUMAAN na ang Holy Week subalit usap-usapan pa sa hanay ng Marikina City police ang mga miyembro nilang nag-Hudas sa mga kasamahan nila.

Mainit ang sitwasyon sa ngayon sa naturang police station at dapat kumilos na si NCRPO director Chief   Supt. Roberto ‘‘Boysie’’ Rosales para maituwid ang pag­kakamali at maparusahan ang mga Hudas nga. Siguro outside Metro Manila puwede na, diba mga suki? Kung magaan ang kamay ni Rosales na sibakin ang mga pulis na hindi umaatend ng court hearings sa mga drug cases, itong kaso sa Marikina City police ay mas masahol pa bunga sa mukhang ibinenta ng mga Hudas na pulis ang mga kasamahan nila. Para lang kumita kaya? Ang masaklap nito, na-dismiss rin ang kasong inihain laban sa tatlong carnapper at isa sa kanila ay ginamit ang affidavit ng mga Hudas na pulis para balikan ang mga operatiba ng Marikina City police nga. He-he-he!

Itapon mo sa kangkungan ang mga Hudas na pulis ng Marikina City, Gen. Rosales Sir, para hindi na sila pamarisan pa.

Nagsagawa ng stake-out operation noong Feb. 14, 2008 ang mga pulis sa pamumuno ni Insp. Teodulo Armada, ang hepe ng anti-carnappingat intelligence ng Marikina City police malapit sa public market bunga sa sunud-sunod na nakawan ng owner-type jeep sa natu-rang lugar. Gamit ng mga pulis bilang pain ang owner-type jeep ng complainant na si Primitivo Reles, na isang negosyante.

Nakita ng mga pulis ang tatlong kalalakihan na paali-aligid sa sasakyan at mayamaya pa sinakyan na nila ito, pinaandar at pinasibad nga. Subalit hinabol sila ng mga pulis at naharang sa Kapitan Moy sa Brgy. Sta. Elena at nahuli nga ni SPO2 Ernesto Alfonso ang isa sa mga suspects na si Romeo Alvarado. Gamit si Alvarado, hindi nag-aksaya ang mga police raiders at nagsagawa ng follow-up operation ang mga ito sa Tugatog St., Calo­ocan City kung saan nadakip naman sina Tomas Jacob at Fernando Guirnalda. Ang affidavit complaint ng pulisya ay pinir­mahan nina Alfonso, PO3 Badalf Monte at PO2 Anelito Angustia.

Si Alvarado ay kinasuhan ng piskalya, samantalang sina Guirnalda at Jacob ay ini-release pending ang preliminary investigation ng kasong carnapping laban sa kanila. Sa paglilitis ng kaso, karamihan sa mga arresting officers ay hindi nakasipot bunga sa hindi naman sila inabisuhan ng korte. At nagtaka ang mga pulis ng mala­man nilang na-dismiss ang kaso. At ang masakit na, sinam­pahan sila ni Guirnalda ng kasong administrative at criminal sa Ombudsman. Ang mga kinasuhan ay sina Armada, Alfonso, Angustia, Monte, SPO1 Leouben Buen­benida, PO2 Winsto Saunar at mga alyas Dennis at Rowena. He-he-he! Gantihan lang talaga un, di ba mga suki?

Siyempre, nag-imbestiga ang mga akusado sa Ombudsman at doon nila nakita ang mga salaysay ng kani­lang kasama na mukhang ibinenta sila. Hindi na nirespeto ng Hudas na pulis ang uniporme nila. Kung sino ang Hudas na pulis? May balita ako na hinamon na ng barilan ang Hudas na pulis ng isa sa kasama niya sa operation subalit hindi kumasa. Abangan!

  • Follow Us: