^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kakapusan ng LPG anong aksiyon ng DoE?

-

MAHIGIT isang buwan na ang kakapusan ng liquified petroleum gas (LPG) at hanggang ngayon hilong talilong pa ang mga consumers kung saan bibili ng gas na pangluto. Hindi nila malaman kung ano ang gagawin sapagkat wala silang mabi­lihan. At ang nakapagtataka, sa kabila na tila nagpa-panic na ang consumers kung saan kukuha ng LPG, ang Department of Energy naman ay tila kam­pante at walang aksiyong ginagawa para maso­lusyunan ang problema.

Ang sinasabi ng DoE, wala naman daw talagang kakapusan ng cooking gas at binuntunan ng sisi ang mga nagtatago nito na makakatikim sila ng parusa. Mabigat na parusa raw ang ipapataw sa mga nagho-hoard ng LPG.

Ganyan lamang ang babala ng DoE at hindi sapat para matakot kung may katotohanan ang sinasabing hino-hoard ang LPG para malaki ang kitain ng mga negosyante. Kung mayroon mang epektibong magagawa ang DoE ito ay walang iba kundi ang magkaroon ng inspection katulong ang Department of Trade and Industry sa mga outlet o dealers ng cooking gas. Sa ganitong paraan, maki­kita ng DoE ang tunay na problema at hindi basta manghuhula lang sa mga nangyayaring kakapusan ng LPG. Kung katulong nila ang DTI sa pag-alam sa tunay na problema ng LPG shortage maaaring ma­laman din ang mga nangyayaring sobrang pag­tataas ng presyo ng produkto. Ayon sa report, ipinagbibili ang 11 kgs. cylinder ng P520. Hindi raw dapat lumampas sa P500 ang bawat 11 kgs. cylinder ng LPG. Maaari raw ireport ang ganitong sob­rang pagpapataw ng presyo.

Pero hindi ganap na nagagampanan ng DoE ang kanilang trabaho sapagkat kahit na marami na ang hilong talilong sa paghahanap ng cooking gas ay walang aksiyon ang mga pinuno ng nasabing tanggapan. Ano pa ba ang dapat malaman at hindi makapagsagawa ng mga kaukulang hakbang para masolusyunan ang isyu sa LPG?

Kung ang mga mapagsamantalang hoarders ang may kasalanan, bakit hindi magsagawa ng imbestigasyon. Bakit hindi pagalawin ang batas at kasuhan ang mga gahamang negosyante kapag napatunayang nagho-hoard ng LPG? Kumilos na sana ang DoE para matapos na ang problemang ito. Palayain ang mamamayan sa mga mapagsamantala.

vuukle comment

ANO

AYON

BAKIT

DEPARTMENT OF ENERGY

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

KUNG

LPG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with