^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Iligtas ang mga estudyanteng lulong sa bawal na droga

-

KAMAY na bakal” ang dapat sa drug traffickers. Sabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO), mga barangay naman ang kanilang susuyurin para ganap na malipol ang mga salot ng lipunan. Ganito rin naman ang banta ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Dangerous Drugs Board. Magka­kaisa sila laban sa mga nagpa­pa­kalat ng bawal na droga. Hindi raw sila titigil lalo pa’t si President Arroyo na ang nag-utos na wasakin ang drug traffickers. 

Ang pakikipaglabang ito laban sa mga salot ay ma­ aaring maging simula para mabawasan ang problema sa illegal na droga. At mas magiging epek­tibo ang kam­panya, kung kasabay ding ililigtas ang mga estudyanteng lulong na sa bawal na gamot. Sa kasalukuyan, may mga public high school students sa Metro Manila ang guma­gamit ng illegal na droga na kinabibilangan ng shabu at marijuana. Nala­thala kamakailan sa mga pahayagan ang tungkol sa mga estudyante sa isang public high school sa Cubao, Quezon City na nahuli ng mga pulis dahil sa aktong nagdodroga sa bakanteng lote na malapit sa school. Ayon sa mga pulis, pagkatapos ng klase, sa ba­kan­teng lote nagtutungo ang mga estudyante para gumamit ng shabu at marijuana. Walang kamalay-malay ang magulang ng mga estudyante na lulong na sa bawal na droga ang kanilang pinag-aaral na anak.

Kaya nang ihayag noong nakaraang linggo ni Mrs. Arroyo na siya na ang bagong anti-drug czar, marahil ay maraming magulang ang natuwa sapagkat sa wakas ay napagtuunan din ng pansin ang talamak na paggamit ng illegal na droga. Sabi pa ni Mrs. Arroyo, ang bawal na droga ang umaagaw sa lakas, kaligayahan, kasiglahan at sigasig ng mga kabataan. Maigting ang kanyang babala sa mga drug traffickers na tatapusin ang mga ito. Ipinag-utos din naman ng Presidente ang pag-drug testing hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa mga empleado, pulis, artista at marami pang iba.

Pero tumutol ang Commission on Human Rights sa drug testing sa mga estudyante. Baka raw mala­bag ang karapatan ng mga estudyante.

Ayon naman sa Department of Education, legal ang pag-drug-test sa mga estudyante. Nakasaad daw ito sa Dangerous Drugs Act of 2003.

Iligtas ang mga estudyante sa high school sa lalo pang pagkalulong sa droga. Ipatupad na ang pagsasailalim sa kanila sa drug test. Hindi dapat makinig sa iba pang pumupuna na lalabagin ang karapatan ng mga estud­yante kapag isinailalim sa drug testing. Nararapat nang kumilos ngayon para maagaw sila sa lalo pang pagka­lulong sa bawal na droga.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

DROGA

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

ESTUDYANTE

MRS. ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with