^

PSN Opinyon

14 sa 20 pinakamahirap na bayan ng Pilipinas nasa Mindanao!

DURIAN SHAKE -

Napakayaman ng Mindanao sa natural resources. Kung tutuusin tinagurian ang Mindanao na ‘agriculture capital’ o ‘food basket’ ng Pilipinas dahil nga sa abundang ani ng malawak na lupain nito at ng kanyang mga kara­gatan. Pangunahing agriculture exporter ang Mindanao na kung saan nandito ang mga plantasyon ng iba’t ibang malalaking multinational com­panies gaya ng Dole, Del Monte at iba pa, na nagpapadala sa ibang bansa ng tone-toneladang saging, pinya, niyog, aspara­gus, at maging ng preskong huli sa karagatan nito na tuna.

Hindi rin pahuhuli ang nangungunang mga mining firms sa mundo dahil namuhunan din sila sa pagmimina ng mineral resources ng katimugan.

Ngunit, sa kabila ng napakagandang imahe ng Mindanao bilang mayaman at abunda sa pagkain, 14 sa 20 na pinakamahirap na bayan sa bansa ay matatagpuan sa islang ito. Masaklap. Ngunit iyon ang totoo. Ang Mindanao ay lugmok pa rin sa kahirapan kahit na napakayaman nito.

Ayon sa data ng National Statistical Coordination Board (NSCB) na pinalabas dito noong Biyernes, ang bayan ng Siayan sa Zamboanga del Norte and siyang pinakamahirap sa Pilipinas na may poverty incidence na 97.46 percent. Pumangalawa sa Siayan ay ang bayan ng Tanudan sa Kalinga na may 88.06 percent poverty incidence.

At ang ibig sabihin ng poverty incidence ayon sa NSCB—‘refers to the proportion of population (or families) with per capita income less than the per capita poverty threshold to the total number of population (families)’.

Andito ang iba pang tinaguriang ‘20 poorest municipalities in the Philippines’ kasabay ng nakasaad nilang poverty incidence —Sominot, Zamboanga del Sur, 87.54 percent; Tangcal, Lanao del Norte, 86.72 percent; Midsalip, Zamboanga del Sur, 86.32 percent; Bagulin, La Union, 85.50 percent; Bacungan, Zamboanga del Norte, 85.17 percent; Jose Abad Santos, Davao del Sur, 84.63 percent; Godod, Zamboanga del Norte, 84.58 percent; Lapuyan, Zamboanga del Sur, 84.35 percent; San Luis, Agusan del Sur, 83.06 percent; Tinglayan, Kalinga, San Jose de Buan, Western Samar, 82.14 percent; 81.91 percent; Poona Piagapo, Lanao del Norte, 81.68 percent; Matuguinao, Western Samar, 81.35 percent; Don Marcelino, Davao del Sur, 80.75 percent; Zumarraga, Western Samar, 80.11 percent; La Paz, Agusan del Sur, 79.69 percent; Sarangani, Davao del Sur,78.67 percent; at ang bayan ng Talaingod, Davao del Norte na may poverty incidence na 78.56 percent.

At kung pagbasihan ang siyang data ng NSCB, lumalabas na ang sampung pinakamahirap na bayan ng Mindanao ay ang mga bayan ng Siayan, Sominot, Tangcal, Midsalip, Bacungan. Jose Abad Santos, Godod, Lapuyan, San Luis at ang Poona Piagapo.

Oo nga at hindi pupuwedeng isantabi muna natin ang problema sa pangkapayapaan na matagal nang bumabagabag sa ilang bahagi ng Mindanao. Pag talamak ang kahirapan sa isang lugar, ito ay siguradong maging mitsa sa pagsiklab ng kaguluhan maging ng pag-aaklas o ng rebelyon ng mga mamamayan. Hindi maaring itago ang problema na dulot ng gulo sa pagitan ng pamahalaan at ng New People’s Army, Moro Islamic Liberation Front at maging ng Abu Sayyaf extremist group na lahat ay ginawang pugad ang Mindanao.

At karamihan sa sinasabing government intervention o ang mga sinasabing basic services na inaabot ng pamahalaan sa mga mamamayan ay hindi nakakarating sa mga nasabing mga liblib na bayan. Gaya na lang ng mga kalsada, gamot at maging ng edukasyon at pagkain. Hindi na ikinagugulat ang mga balitang hindi umaabot ang mga sinasabing ‘poverty alleviation projects’ sa mga beneficiaries sa kinauukulang bayan sa Mindanao.

Maging ang parte ng Mindanao sa national budget ay nasa kakarampot na 17 percent nga lang na kung tutuusin malaki ang naiambang nito sa taunang kinikita ng ating bansa.

Kailangang paigtingin pa ng pamahalaan ang pagpatupad nito ng mga iba’t-ibang programa at proyekto para sa ikauunlad ng Mindanao at ikakabuti ng pamumuhay ng mga libo-libong mamamayan sa mga sinasabing pinakamahirap na mga bayan ng Pilipinas.

At nang sa gayon, maging matatag ang mga Mindanaoan sa laban ng buhay!

vuukle comment

BAYAN

DAVAO

DEL

JOSE ABAD SANTOS

MINDANAO

NORTE

WESTERN SAMAR

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with