PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

(Last Part)

MALINAW na nadagdagan ang kuwalipikasyon sa ating 1987 Saligang Batas. Ano pa ang silbi, manalo man ang isang kandidato, hindi rin siya makakaupo sa puwesto dahil sa hindi niya pagsunod sa drug testing.

Tungkol naman sa isang taong inaakusahan sa isang krimen na pinaparusahan ng lampas anim na taon ayon sa sec. (f) walang basehan ang drug testing na dapat ipagawa dito. Hindi sila binibig­yan ng tsansang tumanggi sa drug testing na idinidikta ng batas. Kung tutuusin, ano ba ang silbi ng batas na ito? Hindi ba at parang gina­ ga­mit lang ang resulta ng drug testing para maka­kuha ng dagdag na ebidensiya para sa prose­kusyon. Nilalabag nito ang Sec. 2, Art. III ng Sali­gang Batas. Mas malala pa, ang mga taong kinakasuhan ay parang pinipilit pa na idiin lalo sa sitwasyong ito.

Sa mga estudyante naman sa pangalawa at pangatlong antas, kahit pa puwersado silang sumailalim sa drug test ayon sa Section 36 (c), hindi naman lahat ay pinakukuha ng eksamin at pinipili lamang o hinuhulaan lang kung sino ang kukuha nito. Importante na huwag malulong sa droga ang mga kabataan. Hindi lang naman ang mga adik ang makakaramdam ng epekto kung gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga estudyante kundi pati na rin ang lahat ng estud­yante at guro ng eskuwelahan. Ang mga guro ang tumatayong magulang ng bata habang sila ay nasa eskuwelahan, nararapat lamang na panga­lagaan nila ang interes ng mga estud­yante. May karapatan din ang eskuwelahan na piliin ang estud­yanteng tatanggapin nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng makatwirang kondisyon. Ami­nado naman tayo na mas kaunti ang mga karapa­tan ng menor-de-edad kaysa sa mga nakatatanda.

Tungkol naman sa Section 36 (a) ang drug testing sa mga empleyado, maging ito man ay sa pribado o publikong opisina ay naaayon sa ating Saligang Batas. Hindi naman ito pakikialam sa karapatan nila. Ang karapatan ng isang empleyado ay limitado ng mga patakaran ng kompanya at ng pinirmahan nilang kasunduan o CBA, kung mayroon man. Nasa may-ari din ang karapatan na disiplinahin ang kanyang mga empleyado at maglagay ng mga batayan upang mapag-ingatan ang interes ng nakararami. Tungkol naman sa mga kawani ng gobyerno, ang batas ng Civil Service Commission ang dapat nilang sundin.

Kung puwede ang RA 9165 sa mga pribadong emple­yado, mas lalong puwede ito para sa mga kawani ng gobyerno dahil pumasa ito sa pa­mantayan ng ating Saligang Batas (SJS vs. DDB, PDEA, G.R. 157870, Laserna vs. DDB and PDEA, G.R. 158633, Pimentel Jr. vs. Comelec, G.R. 161658, November 3, 2008).

  • Follow Us: