^

PSN Opinyon

Pagmamahal sa kapwa Pilipino

- Roy Señeres -

BINABATI ko ang lahat na mga kapatid na Muslim sa kanilang pagdiriwang ng Ramadan. Malungkot ako dahil sa mga nangyayari sa Mindanao, marami sa ating mga kababayan ang nagagalit na sa mga Muslim at masama na ang tingin sa kanila.

Nais kong linawin na tayo ay dapat magalit sa mga criminal na rebelde, Muslim man sila o Christian. Sa mada­ling sabi, hindi tayo dapat magalit sa mga Muslim, dahil hindi lahat sa kanila ay criminal o rebelde.

Dapat nating isipin na bago dumating ang mga mis­yonaryong Arabo sa Pilipinas, at bago dumating ang mga Kastila, lahat tayo ay iisang lahi at walang Muslim, at    wala ring Christian. Bagamat masasabi na ang iba sa atin ay galing sa mga Indonesian at ang iba ay galing sa mga Malay, halos iisang lahi yan kaya tayo ay pare-pareho.

Ang layunin ng mga Muslim ay kapayapaan, ang layu­nin naman ng mga Christian ay pag-ibig. Hindi ba halos iisa naman ang dalawang layunin na ito? Kung ganoon, bakit hindi tayo nagkakasundo? Masasabi ba natin na iba pa si Allah sa Diyos ng mga Christian?

Bagamat alam natin na may mga malulupit na rebel­deng Muslim, alam din naman natin na may mga sundalo rin na nagsasagawa ng human rights violations, kaya maaring may batayan ang sinasabi ng Muslim community na may genocide sa Mindanao.

Christian man o Muslim, lahat tayo ay mga Pilipino at layunin dapat ng ating gobyerno na pag-isahin tayo sa isang mapayapang bayan. Sinasabi ng gobyerno na ang ginagawa nila sa Min­danao ay para sa kapa­yapaan. Kung totoo yan, bakit nagkagulo sa Min­danao at giyera na nga ang nangyari?

Laging sinasabi ng gobyerno na ang kaila­ngan sa Mindanao ay non-military solutions, ngunit bakit puro military operations ang ka­ nilang gina­gawa roon? Ano ang gi­ na­gawa ni Mrs. Arroyo?

vuukle comment

ANO

ARABO

BAGAMAT

DAPAT

MINDANAO

MRS. ARROYO

MUSLIM

SHY

TAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with