^

PSN Opinyon

Katarungan kina Alvarado at Llamas

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
BUNGA sa media mileage sa kaso ng nawawalang anak ni journalism icon Joe Burgos na si Jona Joseph Burgos, aba, lumabas na rin ang mga kamag-anakan ng pinaslang na mga lider sa Albay na sina Rodolfo Alvarado at Sotero Llamas para humingi ng katarungan. Ayon sa mga kamag-anak nina Alvarado at Llamas, kung ninais ng pamilyang Burgos na malutas ang kaso ni Jonas, gan’un na rin sila. Kaya kung iniutos ni Presidente Arroyo na imbestigahan ang kaso ni Burgos, dapat lang na isali niya ang kaso nina Alvarado at Llamas. Naganap ang pagpaslang ng dalawang lider sa ilalim ng administrasyon ni Gov. Fernando Gonzales.

Si Alvarado ay dating leftist leader na nabago ang pananaw sa buhay lalo na laban sa corruption at sa pagbukas ng isang malaking minahan sa Albay. Si Alvarado ay dating kaalyado ng isang makapangyarihang pulitiko sa Albay. Alam kaya ito ni Gov. Gonzales? Ang huling ulat ng pulisya, si Alvarado ay pinaslang ng mga hired killers. Si Llamas naman ay dating mataas na kumander ng NPA. NIlabanan niya noong halalan noong 2004 si Gonzales at natalo siya. Bunga sa pagkatalo niya sa election, naging kritiko si Llamas ng mga pulitiko sa lalawigan. Kasama kaya rito si Gov. Gonzales? Si Llamas ay pinaslang din ng mga upahang killers.

Kung ang kaso ni Burgos ay tumagal ng ilang araw sa mga diyaryo, TV at radyo, ang hinagpis ng mga kamag-anak nina Alvarado at Llamas, nabaon ang kaso nila sa limot. Kaya’t kung ang makinarya ng gobyerno ay iniutos ni GMA na gamitin para malutas ang kaso ni Burgos, nais din ng mga kamag-anak nina Alvarado at Llamas na gan’un din sana ang attention na igawad sa kaso nila. Ang kaso nina Alvarado at Llamas ay maaari kong sabihin na kasama sa extra-judicial killings sa Pilipinas na naka-attract ng attention ng mga human rights group sa ibang bansa. At ang isyu ng pagpaslang kina Alvarado at Llamas ay ilan lang sa mga ginagamit ng kalaban ni Gonzales sa May elections. Kailan kaya babasagin ni Gov. Gonzales ang katahimikan niya sa pagkamatay nina Alvarado at Llamas?

vuukle comment

ALBAY

ALVARADO

BURGOS

GONZALES

KASO

LLAMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with