^

PSN Opinyon

‘Tuta’ raw ng Palasyo si Pichay!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
BINIBIRA ng oposisyon na ‘‘tuta’’ ng Palasyo si Administration senatorial bet Prospero Pichay bunga sa tingin nila sobrang dikit ito kay President Arroyo. Pero umaamin naman ang oposisyon na maraming pagkataon din na sumalungat itong si Pichay sa mga kagustuhan ng Palasyo nga. At ang isang okasyon ay ang paghirang nga kay Rep. Rolly Andaya bilang budget secretary. Iginiit kasi ni Pichay na si Andaya ay manatiling nominee lamang hanggang hindi pa siya nakumpirma ng powerful Commission on Appointments kung saan siya ang vice chairman. ‘‘When Congress is in session, the President can only nominate but she can’t appoint anyone to fill vacant seats in her Cabinet without the concurrence of the CA,’’ ito ang paglilinaw ni Pichay. Di ba tumangu-tango o sumang-ayon ang oposisyon sa tinuran na ito ni Pichay? ‘‘He-he-he! Mukhang maikli ang memorya ng oposisyon kapag may election.

Ipinaliliwanag pa ni Pichay na uubra lamang ang naturang appointment ni GMA kay Andaya kapag walang sesyon ang Kongreso o dili kaya’y nasa recess ito. Idinagdag pa niya na ang nominasyon ni Andaya ay masasabing ‘‘natural’’ subalit hindi ito halintulad ng ad interim appointment na may ‘‘force and effect of a regular appointment’’ Tiniyak din ni Pichay na nagbitiw din si Andaya bilang Kongresista dahil kung hindi ay masasabing may hawak siyang ‘‘dual position’’ na maaring maituring na ‘‘constitutionally’’ untenable.’’ Hindi ba si Pichay din ang dahilan kung bakit hindi rin naupo kaagad bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Interior Sec. Ronaldo Puno dahil hindi pa siya nakumpirma ng CA? Maliwanag lang na ang nasa isipan ni Pichay ay ilagay sa tama ang mga baluktot na alintuntunin ng Palasyo, di ba mga suki? Ipinakita lang ni Pichay na kaya niyang suwagin ang Palasyo kapag mali ang isinusulong nito. ‘‘Yan ba ang tinatawag na ‘‘tuta’’ ng Palasyo?

Maaaring ang gina-wang basehan ng oposisyon para tawaging ‘‘tuta’’ ng Palasyo ang Team Unity candidate na si Pichay ay bunga sa pagtanggol niya kay GMA tuwing may balitang masama laban dito. Bilang kilalang miyembro ng LAKAS-NUCD kasi si Pichay ay dating vice chairman ng Committee on National Defense and Security. Siyempre miyembro rin siya ng Committee on Agriculture, Aquaculture, and Fisheries Re sources; Economic Affairs; Energy, Foreign Affairs at anim pang iba sa Maba-bang Kapulungan nga.

Pinangungunahan din niya ang House contingent sa CA bilang vice chairman at ex-officio member sa lahat ng standing committee nito. ’Yan siguro ang dahilan kung bakit binansagan siya ng oposisyon na ‘‘tuta’’ ng Palasyo, he-he-he! Inggit lang kayo!

Si Pichay ay kilala o tinatawag na ‘‘Butch’’ ng kanyang mga kaibigan at kapamilya. Nagtapos ito ng kursong Bachelor of Science in Commerce sa De la Salle University sa Taft Ave., sa Maynila. Kahit dikit siya kay GMA, nagulantang ang lahat nang batikusin niya ang appointment ni Andaya nga. Iginiit ni Pichay na ang party affiliation at loyalty dito ay isang bagay ngunit kung ang katotohanan ang nakataya, dapat manindigan para isulong ang sinumpaang tungkulin sa bayan. Abangan!

vuukle comment

ANDAYA

ARING

BACHELOR OF SCIENCE

ECONOMIC AFFAIRS

PALASYO

PICHAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with