^

PSN Opinyon

May pag-asa kay Rene Quiapon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SINO ba naman ang hindi matutuwa sa mataas na pangarap ni Rene Cayetano para sa mga kababayan niya sa Ligao City sa Albay? Naka-sentro kasi ang plano ni Rene Quiapon para palawakin ang kaalaman ng mga kababayan niya at lalong pangalagaan ang kalusugan nila. Ang tinutukoy ko mga suki ay ang ambitious program ni Rene Quiapon na magpatayo ng City College o University, ng Coastal campus college rin para makinabang ang mga residente ng barangay, ng high schools sa barangay din, city hospital at satellite clinics at mga bonggang infrastructure projects para isulong pa ang pag-unlad ng Ligao City. At itong mga pangako ni Rene Quiapon ay tiyak hindi mapapako mga suki. Hindi ito puro laway. Hindi tulad ng iba diyan na ang mga pangako ay nakalista sa tubig. Itong pangako ni Rene Quiapon ay naka-black and white na ang ibig sabihin ay seryoso siyang ipatupad ang mga ito. Kasi kapag naka-black and white, aba sisingilin ng constituents niya si Rene Quiapon kapag hindi niya tinupad ang mga programa niya, di ba Ligao Mayor Linda Gonzales Ma’m? He-he-he! Ang kailangan ng taga-Ligao ay puro aksiyon o gawa at hindi ang nagtatalsikang laway, di ba mga suki?

Kapag nagkaroon na kasi ng City College o University at high schools sa mga barangay ng Ligao, aba magiging mura na ang gastusin ng mga magulang para mapag-aral ang kani-kanilang mga anak. Kung ang coastal college naman ang maipatayo sa Bgy. Maonon, ang mga kursong i-offer nito ay angkop sa aquamarine at fishery at ang makikinabang tiyak ay ang mga mahihirap sa residente ng coastal areas. Kapag nagpatayo naman ng ospital siyudad at satellite clinic sa mga barangay, aba tiyak hindi na mabuburyong ang taga-Ligao sa kaiisip ng gastusin kapag nagkasakit sila. At higit sa lahat kung ang mga infrastructure projects naman ay para i-accelerate ang economic development ng Ligao City eh ang ibig sabihin nito ay karagdagang trabaho at ang makikinabang ay ang mga residente nga. He-he-he! Mayroon ka ba niyan, Mayor Gonzales, Ma’m? Para maisakatuparan ang mga programa ni Rene Quiapon may pag-asa!

Sa ngayon naman, maraming partido ang umaawit kay Rene Quiapon para maging kinatawan nila sa Ligao City. May mga regional at national officials ng mga partido ang kumakausap sa kanya, di ba Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte? Pero ang alam ko, may linyang direkta si Rene Quiapon sa Malaca- ñang bunga sa amo niyang si Transportation Sec. Leandro Mendoza. Para sa hindi pa nakaaalam, si Quiapon ay matagal nanilbihan sa ilalim ng liderato ni Mendoza noong PNP chief pa siya. Kapag may linya si Quiapon sa Malacañang, ibig sabihin nito plus factor din ito sa taga-Ligao City, di ba mga suki? Kung noon kasi, ang mga kailanganin ng taga-Ligao ay dadaan pa sa kung saan-sang opisina para makarating sa Malacañang, dito kay Rene Quiapon, aba direkta na sila. Meron ka rin ba niyan. Mayor Gonzales Ma’m?

Teka nga pala. Dapat imbestigahan ng Malacañang ang balita na ang mga relief goods para sa Ligao at ilang bayan sa Albay ay ginagamit para sa kampanya.

Abangan!

vuukle comment

LIGAO

LIGAO CITY

PARA

QUIAPON

RENE

RENE QUIAPON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with