PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Uric acid at ang gout

NAKATANGGAP ako ng isang sulat at itinatanong niya ang tungkol sa gout. "Ako po ay isang OFW sa Saudi Arabia at paborito kong basahin ang inyong column dito sa Pilipino Star NGAYON. Tanong ko lang po kung ano ang palatandaan ng gout. Nag-aalala po kasi ako na baka mayroon na akong gout. Habang maaga pa ay nakaiiwas na ako sa mga pagkaing bawal dito. Maraming salamat po Dr. Elicaño. Tawagin mo na lamang akong Cris."


Maraming salamat sa pagsubaybay mo sa aking column, Cris. Gusto kong ipabatid sa mga mambabasa na ang gout ay isang uri ng arthritis. Karaniwan itong dumadapo sa mga kalalakihang may edad 40 pataas. Lubhang masakit kapag dumapo ang gout. Palatandaan ng gout ang pagkakaroon ng fever at may namamagang kasu-kasuan. Pinakamasakit na bahagi ang hinlalaki ng mga paa. Nagkakaroon ng gout dahil sa mataas na deposits ng monosodium urate crystals na naiipon sa mga kasu-kasuan. Nasa dugo ang mataas na uric acid.


Karaniwang ibinibigay sa may gout ang Colchicine para mabawasan ang pananakit at ang pamamaga. Gayunman, ang Colchicine ay nagiging dahilan ng diarrhea at ang pinaka-serious na side effects ay ang pagkapinsala ng bone marrow. Ipini-prescribed na rin ang nonsteroidal anti-inflammatory drug kasama ang Allopurinol. Ang Allopurinol ay gamot na humahadlang sa production ng uric acid sa katawan. Ang gamot na ito ay kapaki-pakinabang sa mga may mataas na uric acid blood level at ganoon din sa mga may kidney stones. Dapat namang imonitor ng doctor ang mga gumagamit ng Allopurinol sapagkat ang magti-take nito ay maaaring makaranas ng pananakit ng sikmura, skin rash, pag-decrease ng white blood cell count at maaaring mapinsala ang atay.


Hindi lamang sa hinlalaki maaring tumama ang gout kundi pati na rin sa balikat, siko, daliri, gulu-god, baywang at iba pang bahagi ng katawan.


Paano maiiwasan ang magkaroon ng gout? Ganito ang gawin:


• Magbawas ng timbang.


• Bawasan ang pag-inom ng alak at ang pag-kain ng mga pagkaing mataas sa purines ay ang atay, kidneys, utak, sardinas, dried beans, asparagus, cauliflower, mushrooms at spinach.


• Uminom nang walong basong tubig araw-araw.


• Kung umiinom ng gamot para sa high blood pressure, i-check ito sa-pagkat maaaring ang dahilan ng gout ay thiazide deuretics.

  • Follow Us: