PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sa mga Opisyal ng DepEd, Basahin ninyo ito!

BIBIGYAN namin ng espasyo sa kolum na ito ang sangkaterbang reklamo laban sa umano’y mga tiwaling opisyal ng Department of Education (DepEd) sa lalawigan ng Camarines Norte.


Hindi na umano masikmura ng mga estudyante at ilang guro ng Labo Central School, Camarines Norte ang talamak na katiwalian.


Matagal na raw nilang ipinaabot ang kanilang reklamo sa tanggapan ng DepEd sa kanilang rehiyon. Ngunit nanatili itong walang aksiyon hanggang sa kasalukuyan. Narito ang kanilang ipinadalang reklamo;

* * *

Dear Mr. Ben Tulfo,


Marami pong kasong administratibo naka-file laban sa mga school heads at ilang ordinaryong guro ang hanggang ngayon walang aksyong ginagawa ang DepEd. Karamihan sa mga kasong ito ay graft and corruption, sexual harrasment at iba pa.


Marami din pong mga school heads ang ginagamit ang oras ng klase o trabaho sa kanilang pagliliwaliw. Ginagamit ding panakot sa mga pobreng guro ang ‘‘lesson plan’’, ‘‘reports’’, at nauuwi sa sexual advances lalo na kung dalaga ang isang guro.


Marami pong guro sa aming probinsya ang umuutang sa isang Mrs. Grace Rafer, isang guro sa Labo Central School, Labo, Camarines Norte. Nagagawa pong i-hold ni Mrs. Rafer ang mga tseke ng mga gurong umutang sa kanya. Ipinagtataka naming pinapayagan ito ng mga school heads at mismong Division Office.


Nagagawang papalitan ang tseke sa mga bangko kahit walang pirma ang mga guro. Hindi po ba dapat hintayin na lang ni Mrs. Rafer na ang mga guro ang magbayad sa kanya ng kanilang mga utang.


Marami pong guro ang nagsasabi na may porsiyento ang mga school heads na makakapag hold ng mga tseke ng mga gurong umuutang sa kanya.


Matagal na pong inireklamo ang mga bagay na ito sa tanggapan ng DepEd dito sa aming rehiyon, subalit wala naman pong naging aksiyon. Kami po ay naniniwala, sa pamamagitan ninyo, Mr. Tulfo, makakarating sa mga kinauukulan ang aming reklamo! GOD BLESS YOU !.

* * *

NGAYONG nakara-ting na sa amin ang reklamong ito, kasama na ang kolum na ito at ang BITAG na tutugaygay sa problemang ito.


At sa mga inirereklamong opisyal, may panahon pa upang tuldukan ninyo ang mali ninyong gawain. Bago pa man, tuluyan naming ikasa ang patibong para sa inyo!

  • Follow Us: