^

PSN Opinyon

Tulong ng media sa mga programang pangkapaligiran

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
HINIHIKAYAT namin ang partisipasyon ng publiko upang maging katuwang ng Department of Environment and Natural Resources sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran.

Marami na ring pribadong grupo at mga indibidwal na nakikiisa sa pangangalaga ng ating kapaligiran, kagubatan, karagatan, at yamang gubat na talaga namang kailangan ng masusing pangangalaga at pansin.

At upang malubos ang information, education, communication (IEC) campaign ng departamento, hinihikayat din namin ang media kabilang ang diyaryo, radyo at telebisyon upang tumulong na magbigay ng impormasyon at sapat na kaalaman sa madla sa mga kinakaharap natin ngayon tungkol sa estado ng ating kapaligiran at kung ano ang magagawa ng bawat isa upang makatulong sa pagsasalba dito.

Napakalaki ang tungkulin na ginagampanan ng media sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko. Maaaring maimpluwensiyahan nito at mabago ang pananaw na siyang magpapakilos sa mga tao na gumawa ng sariling hakbang para sa ikabubuti ng lahat. At dahil base sa tunay na sitwasyon ang inilalabas ng media sa publiko partikular sa usaping pangkapaligiran ang publiko ay mahihikayat na makiisa sa mga programa ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, nagbibigay ng Public Affairs office ng DENR ng mga Forum on Clean Air at mga usapin sa solid waste management, land management, at tungkol sa mga sektor na higit na kailangan ang partisipasyon ng publiko.

Naniniwala kami sa departamento na ang ikabubuti at ikapagtatagumpay ng mga programang ito higit sa mga aksyon na ginagawa ng pamahalaan ay ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng bawat mamamayan.

vuukle comment

CLEAN AIR

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MAAARING

MARAMI

NANINIWALA

NAPAKALAKI

PUBLIC AFFAIRS

PUBLIKO

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with