PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Empleadang buntis at 2 pang staff, sinibak ng senador dahil malas daw sa kanyang opisina

ALAM n’yo bang tinanggal sa trabaho ng isang senador ang tatlo niyang staff dahil malas daw ang mga ito sa kanyang opisina?


Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay First Gentleman Mike Arroyo, Chairman Dante Ang ng COFW; DENR Sec. Mike Defensor, SGV Boss Washington Sycip, Bro. Nani Castelo, Mayor Zoy Santiago ng Obando, Bulacan at SPO4 Samson Buenaventura ng Davao City.

* * *

Alam n’yo bang sinibak ng isang senador ang buntis niyang empleada dahil malas daw ito sa kanyang opisina?


Ayon sa aking bubuwit, madalas palang magpa-feng shui ang senador. Halos lahat ng mga ginagawa niya sa araw-araw ay dinadaan sa feng shui.


Dahil sa paniniwalang ito ng senador, pati ang isa pa niyang staff na natuklasang may cyst ay sinibak din sa trabaho. At ang pinakahuling sinibak ng senador ay ang kanyang media relations officer.


Malas daw ang mga ito sa kanyang opisina kaya pinagsisibak.


Grabe ang senador na ito!

* * *

Ayon sa aking bubuwit, nag-iiyak ang buntis na staff ni Senador nang sabihan siyang mag-resign na. Kung kailan nga naman niya pinaghahandaan ang kanyang panganganak ay saka pa sisipain sa trabaho.


Upang hindi naman makapag-reklamo ang buntis na empleada, bago ibigay ang kanyang mga benefits ay pinapirma muna ng waiver ng senador. Nakasaad sa waiver na kailangan ay hindi siya magsasalita ng masama laban sa senador.


Walang pusong senador!

* * *

Ayon sa aking bubuwit, ang isa pang staff ni Senador na may cyst ay tinanggal din sa trabaho. Sinabi ng senador na batay daw sa feng shui, malas sa kanyang opisina ang may sakit. Ito raw ay nagdudulot ng masamang chi o energy sa kanyang tanggapan.


Bukod dito ay tinanggal din ang kanyang media relations officer dahil ito ang rekomendasyon ng kanyang chief of staff na feng shui expert.


At ayon pa sa aking bubuwit, dahil sa kapu-feng shui ng senador ay napakarami na palang staff nito ang sinibak. Maniniwala ba kayong umabot na sa 50 empleado ang sinibak ng senador?


Yung iba naman ay kusang nagre-resign dahil magaspang ang pag-uugali ng senador. Siya ay mata-pobre. Palibhasa ay galing sa mayamang pamilya.


Ang senador na nagtanggal sa kanyang staff na buntis at may cyst dahil malas daw sa feng shui ay walang iba kundi si Sen. M. as in May Tama.

  • Follow Us: