^

PSN Opinyon

Mga sintomas ng tumor sa utak

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño,

Bigyan mo nga po ako ng ilang kaalaman ukol sa tumor sa utak. Ang pananakit ba ng ulo at pagsusuka ay kabilang sa mga sintomas ng may  tumor sa utak? Maraming salamat doctor at patnubayan ka ng  Diyos.

—HENRY ROMAN LUCIDO ng Sangandaan, Caloocan City.

 ANG tumor sa utak ay ang pagtubo ng abnormal cells sa bahaging ito at maaaring maging malignant o hindi malignant. Dahil sa lokasyon nito, ang non-malignant brain tumor ay maaaring magdulot ng mga napakalubhang sintomas. Ang sintomas ng may brain tumor ay pabagu-bago depende kung nasaang location ito sa bahagi ng utak at unti-unti nararamdaman sa simula.

Ang mga sintomas ng may brain tumor ay pananakit ng ulo, pagsusuka, pagkaalibadbad, pagkahilo, panlalabo ng paningin at panghihina na ang apektado ay ang isang bahagi ng katawan. Sometimes, a tumor in a partcular site may cause a more definite set of symtomps, leading to its presence being suspected. Ang brain tumor ay maaaring secondary growth dahil sa malignancy na nasa ibang bahagi ng katawan o maaaring maging primary growth. Maaaring ito ay resulta ng tuberculosis, o syphilis at kung hindi pa nati-treat ang mga ito ay nararapat na gamutin.

Ang pag-iingat o pag-iwas sa maaaring maging dahilan ng tumor sa utak ay maraming beses ko nang ipinaalala. Isa sa aking paalaala ay ang pag-iwas sa paninigarilyo.

Maraming paraan para maalis ang brain tumor pero depende ito sa nature at site ng tumor. Maaaring sumailalim sa operasyon, radiation theraphy, chemotherapy at radio isotopes ang isang may brain tumor.

vuukle comment

BIGYAN

DR. ELICA

MAAARING

MARAMING

TUMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with