^

PSN Opinyon

Paglobo ng populasyon paano kokontrolin ?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
HANGGANG ngayon pinagdedebatehan pa rin sa Kongreso ang paggamit ng condom at iba pang contraceptives para maiwasan ang pagbubuntis. Ang isyu ay natalakay dahil sa nakaaalarma na pagdami ng Pinoy. Sa maniwala kayo at sa hindi, sa loob ng isang minuto ay apat na sanggol ang ipinanganganak. Kaya nagpahayag ang isang mambabatas na aabot sa 100 milyon ang populasyon ng Pilipinas sa susunod na 10 taon. Sa kasalukuyan 87 milyon na ang mga Pilipino.

Ang Simbahang Katoliko ay mariing kinokondena ang mga birth control pills o contraceptives. Isinusulong naman ng mga advocates ng family planning na gumamit ng contraceptives para makontrol ang pagbubuntis at nang hindi lumobo ang populasyon. Ayon naman sa mga eksperto, hindi epektibo ang withdrawal at calendar rhythm.

Si Cavite Rep. Gilbert Remulla, ay isa sa mga pabor sa paggamit ng condom at iba pang birth control devices. Ayon sa kanya, praktikal na paraan ito para maiwasan ang pagbubuntis. Popular din ang IUD (intra-uterine-device). Ito’y ang paglalagay ng plastic sa uterus para mahadlangan ang pagpasok sa sperm cell ng lalaki sa obaryo ng babae. May mga babaing nagpapa-tubal ligation. Tinatalian o ginugupit ang fallopian tube ng babae para huwag mabuntis. Maraming mister ang nagsasabing bitin sila at hindi umaabot sa sukdulan kapag may condom.

Lumulobo ang populasyon kaya nararapat lamang na gumawa ng hakbang ang gobyerno para ito mapigilan. Ano ba ang tama? Siguro papiliin na lang ang mag-asawa sa kanilang nais na paraan para magplano ng pamilya.

vuukle comment

ANG SIMBAHANG KATOLIKO

ANO

AYON

GILBERT REMULLA

ISINUSULONG

KAYA

KONGRESO

PARA

SI CAVITE REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with