PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2-milyon dadalo sa rali ni Bro. Eddie

MAGUGULAT ang ibang partido politikal kapag nakita nila sa Linggo ang grand rally sa Rizal Park ng Bangon Pilipinas Party ni presidential candidate Bro. Eddie Villanueva. Take note, 2 milyon katao na sumusuporta kay Bro. Eddie ang magtitipon sa naturang rally na idaraos sa Linggo, Pebrero 22. Bihirang political rally and dinadaluhan ng ganyang karami.


Ito ay magiging kakaiba sa mga rally na ginaganap ng ibang partido na kadalasa’y tinatampukan ng mga bantog na celebrities para makaakit ng attenders. Hindi na kailangang gawin ito ng "Bangon" party sapagkat ang rally ay nakatuon sa makabuluhang plataporma ni Bro. Eddie na ipatutupad sa sandaling siya’y mahalal bilang Pangulo. At ang plataporma’y pinaniniwalaan ng marami kaya sila’y dadalo sa rally.


Kaya hindi katakataka kung bumuhos man ang taumbayan sa Luneta para suportahan, hindi ang persona ni Bro. Eddie kundi ang kanyang itinataguyod na palatuntunang naglalayong hanguin ang bansa sa kahirapan. And this, I have no doubt, he is very capable of doing dahil hindi lamang evangelist si Bro. Eddie kundi isa ring political scientist at economist.


Naniniwala ako na ang tinatawag na silent majority (ano man ang relihiyon) ay unti-unting nahahatak ni Bro. Eddie sa kanyang plataporma de gobyerno. Kasi, sa pakikipagkuwentuhan ko sa mga kaibigan at kakilala, nasasabi kong "kay Bro. Eddie na lang ako." At lahat ng napagsabihan ko na hindi ko na mabilang ay sasagot ng "oo nga. Ako rin."


Iisa ang aming dahilan. Nasubukan na ang karamihan sa mga kumakandidato na kabilang sa tinatawag na old politics at hangga ngayo’y terible pa rin ang kondisyon ng ating bansa.


Ganap na alas-kuwatro ng hapon ang simula ng rally at kung hindi lang ako abala sa aking gawain sa pagsasara ng diyaryong ito, tiyak na dadalo ako. Sana kung may oras kayo’y daluhan natin ang pagtitipong ito if we believe in Bro. Eddie’s program of government.

  • Follow Us: