^

PSN Opinyon

Sintomas ng prostate cancer

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
BUMABATI ako ng isang Masaganang Bagong Taon sa lahat ng mambabasa ng Pilipino Star NGAYON. Sana ang 2004 ay magdulot ng kalusugan sa bawat Pilipino.

Narito pa rin ang mga kasagutan ko sa mga readers na humihingi ng payong medical. Pasensiya na po kayo kung ngayon ko lang ito nasagot.
* * *
Para kay Mr. Rodolfo Marzan ng Ilwas, Subic Zambales: Ang cancer sa prostate ay pinatutunayan ng kahirapan sa pag-ihi. Mayroon namang kaso na may cancer sa prostate ay madalas ang pag-ihi. Kadalasan, ang may prostate cancer ay umiihi ng tatlo hanggang apat na beses sa gabi. Ang pasyente ay nagdaranas din ng pelvic pain. Isa sa mga pinakamahusay na paraan kung paano made-detect ang prostate cancer sa mga may edad nang kalalakihan ay sa pamamagitan ng pagkuha sa kanyang PSA.

Sa pamamagitan ng PSA, kukuha ng small amount ng dugo sa kanyang ugat at eeksaminin ito. Ang normal value ay mula 0 hanggang 4 mg. Ang PSA ay protein produced ng cells na nasa internal prostatic channels.

A small amount of PSA normally leaks into blood vessels inside the prostate and flows into the blood stream. Ang amount ng PSA sa blood ay maaaring masukat sa isang simpleng laboratory test.

Prostate cancers usually produce extra PSA which can be detected in the bloodstream. PSA is also produced by prostate cancer cells that have metastasized to other parts of the body. Ganoon man, maaaring ang isang tao ay may benign prostatic hypertrophy at hindi cancer sa prostate. Dapat itong madetermine ng sumuring doctor.

Kung ang PSA ay hindi mataas, ito ay karaniwang benign prospatic hypertrophy. Kung ang PSA ay mahigit 10, kailangan ang atensiyon sa problemang ito.
* * *
Para kay Salvador Barrientos ng Gulod, Novaliches, Quezon City: If the patient is young, the penis may still have a erection. Sa ibang lalaki, nagti-take sila ng Viagra upang sumigla o mabuhay ang penis. Sa ibang kaso, gumagamit ang iba ng oral drugs. May mga gumagamit ng penile rings samantalang ang iba ay vacuum devices. Ang iba ay self injection at ang iba ay implanted device.
* * *
Para kay Noel Herrera ng Khalid Al-Omran, KSA: Ang habit na pagdura ay hindi maganda. You may have a problem with your work of painting. Sa palagay ko, wala kang problema sa iyong dugo subalit maaari mo rin itong ipa-eksamin. Kung uuwi ka sa Pilipinas, maaari mo akong puntahan. Maaari ka ring kumunsulta sa ibang doctor na magustuhan mo.

vuukle comment

KHALID AL-OMRAN

MASAGANANG BAGONG TAON

MR. RODOLFO MARZAN

NOEL HERRERA

PILIPINO STAR

PROSTATE

PSA

QUEZON CITY

SALVADOR BARRIENTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with