^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Illegal logging, tutukan ng DILG

- The Philippine Star

PATULOY ang illegal logging operations sa Mindanao at iba pang lugar sa bansa. Walang inihatid na takot ang Executive Order No. 23 na inisyu ni President Noynoy Aquino noong nakaraang taon. Hindi rin kinasindakan ang Anti-Illegal Logging Task Force na binuo ng Presidente para masawata ang mga “salot” ng kagubatan at kabundukan­.

Ayon sa report, talamak ang illegal logging sa Lanao del Sur, Lanao del Norte, Iligan City at Cagayan de Oro City. Ang malawakang pagbaha sa Iligan at Cagayan de Oro noong nakaraang taon ay sinisisi sa talamak na illegal logging operations.

Ang pagguho ng lupa ay isinisisi rin sa illegal logging. Maraming lugar sa Eastern Visayas at Bicol regions ang nagkaroon ng landslides dahil sa hindi masawatang pagtotroso. Ang pagguho ng isang bundok sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte, ilang taon na ang nakararaan, ay dahil sa pagputol ng mga punongkahoy doon. Maraming namatay. Halos isang buong barangay ang tinakpan ng gumuhong lupa at mga bato.

Noong Sabado ay nanumpa na sa tungkulin si DILG secretary Mar Roxas. Noong Lunes ay unang araw niya sa trabaho. Pero ang una niyang order of business ay pagre-repair sa mga elevators ng DILG. Pawang mga out of order ang elevator kaya kinakailangang maghagdan ang mga empleado at iba pang nagtutungo sa DILG. Maski si Roxas, sa unang araw sa trabaho ay gumamit ng stairs para makarating sa ika-8 palapag na kanyang opisina. Inorder niyang rebyuhin ang kontrata ng elevator service sa DILG office. Ayon kay Roxas, dapat unahin niya ang reporma sa sariling bakuran.

Sana, ang sunod na ioorder ni Roxas ay ang malawakang pagsakote sa illegal loggers sa Min­danao at marami pang lugar sa bansa. Pagtuuunan niya ng pansin ang problemang ito. Kapag nahuli ang mga “salot” ng kagubatan, parusahan sila nang mabigat. Ipakita ni Roxas ang “kamay na bakal” laban sa mga sumasalaula sa kapaligiran. Imbestigahan ang nasa likod ng pag-transport ng mga troso patungong Maynila na pawang nasa container van.

Aksiyon ni Roxas ang hinihintay ng taumbayan laban sa illegal loggers. Kapag nalipol sila hindi na magkaka-landslide at makararanas ng baha.

vuukle comment

ANTI-ILLEGAL LOGGING TASK FORCE

AYON

EASTERN VISAYAS

EXECUTIVE ORDER NO

ILIGAN CITY

ILLEGAL

KAPAG

LANAO

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with