^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Paano mahihikayat ang mga turista?

- The Philippine Star

MULA Enero hanggang Hunyo 2012, mahigit 2-milyon na umano ang dumating sa bansa. Kung totoo, it’s more fun na nga siguro sa bansang ito. Sa balitang ito, masasabing tagumpay ang kampanya ni Tourism Secretary Ramon Jimenez. Maski sa talumpati ni President Noynoy Aquino sa kanyang ikatlong State of the Nation Address noong Hulyo 23 binigyan niya ng halaga ang pagsisikap ng tourism chief para mapalago o mapaunlad ang turismo. Sabi ni P-Noy sa kanyang SONA: “Isipin po ninyo: Noong 2001, ang tourist arrivals sa ating bansa, 1.8 million. Nang dumating po tayo noong 2010, naglalaro ito sa 3.1 million. Mantakin po ninyo: Sa hinaba-haba ng kanilang administrasyon, ang naidagdag nilang tou-rist arrivals, 1.3 million lamang; may ambag pa kaming kalahating taon diyan. Tayo naman po, Hunyo pa lang ng 2012-- 2.1 million na turista na ang napalapag. Mas marami pang dadagsa sa peak season bago matapos ang taon, kaya hindi ako nagdududang maaabot natin ang quota na 4.6 million na turista para sa 2012. Ibig sabihin: 1.5 million na turista ang ating maidadagdag. Samakatuwid, sa dalawang taon, mas malaki ang magiging paglago ng ating tourist arrivals, kumpara sa naidagdag ng pinalitan natin sa loob ng siyam na taon. Hindi po tayo nagtataas ng bangko; nagsasabi lang po tayo ng totoo.” 

Nakakakita nang liwanag sa tourism industry at ito ay dahil sa pagsisikap ni Jimenez. Maaaring bukas o makalawa, mapantayan na ng Pilipinas ang Thailand at Malaysia sa dami ng dumarating na turista. Subalit para sa amin, kailangan pang magbuhos nang ibayong pagsisikap si Jimenez para lubusang mapantayan ang dalawang bansa. Nararapat magtrabaho nang husto para mahikayat ang mga turista.

Paano maaakit ang mga turista? Una, higpitan naman ang kampanya laban sa krimen. Bigyan ng seguridad ang mga turista. Huwag hayaang mabiktima sila ng mga kawatan o criminal. Isa sa hangad ng mga turista sa kanilang destinasyon ay ang mapayapang kapaligiran. Ikalawa, lutasin ang grabeng trapik lalo sa Metro Manila. Walang turista o dayuhan na masisiyahan kung usad-pagong ang trapik.

Kung maisasakatuparan ang mga nabanggit, tiyak na mga turista’y dadagsa at muli silang babalik.

vuukle comment

BIGYAN

ENERO

HUNYO

JIMENEZ

METRO MANILA

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

STATE OF THE NATION ADDRESS

TOURISM SECRETARY RAMON JIMENEZ

TURISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with