^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin kung may lagnat

WHAT' S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ANG isang tao ay sinasabing may lagnat kapag ang kanyang body temperature ay mahigit sa 37oC. Ang lagnat ay palatandaang ang katawan ay lumalaban sa infection. Karaniwang ang may lagnat ay makararanas ng pagkaginaw, pamamawis, pagkauhaw, diarrhea, nausea at may flushed skin. Mahalaga na ang nilalagnat ay uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration. Kung hindi naman nauuhaw, uminom ng fruit juice na hinaluan ng tubig bawat oras upang mapalitan ang nawalang fluids.

Bukod sa dehydration, makararanas nang pagkawalang-gana sa pagkain ang isang nilalagnat. Kung makararanas ng pagsusuka o pagtatae, makabubuting huwag nang kumain kahit na ano upang mabigyan ng pagkakataon ang stomach na maka-recover.

Ang mga bata ay karaniwang mas mabilis tumaas ang temperatura (mahigit 38.9oC) subalit hindi naman ibig sabihin nito na masyadong malubha ang kanyang kalagayan. Kapag hinihinala na ng magulang na ang kanyang anak ay nilalagnat, kailangang patingnan ito sa doktor. Maaaring pababain ang lagnat ng bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng paracetamol at punasan ang katawan ng maligamgam na tubig. Sa mga adults, kung ang lagnat ay patuloy at tumagal ng tatlong araw o may kasamang sintomas na pananakit ng katawan, paninigas ng leeg, dislike of light or a purplish rash, dapat nang kumunsulta sa doktor.

Ang mga sumusunod na kondisyon ay maaaring maging dahilan ng lagnat: cancer, bacterial and viral infection, allergic reaction, hormone disorders, rheumatoid arthtritis, excessive esposure to noonday sun, excessive exercise in very hot weather, brain injury and certain drugs or medication. There are authorities who claim that fever should not be treated routinely because of its potential benefits. Nevertheless, a child who develops seizures resulting from fever should be treated. Likewise, adults with heart and lung ailments who develop fever should be given fever management because can increase the body’s need for oxygen which could cause brain dysfunction.

Ang acetaminophen at aspirin ang mga gamot na karaniwang ginagamit upang mapababa ang lagnat. Gayunman, sa mga mauunlad na bansa, hindi pinapayagan ng mga pediatricians na gamitin sa bata ang aspirin dahil sa posibilidad na ma-develop ang Reye’s Syndrome na isang seryosong karamdaman kung saan mamamaga ang utak at mabilis na naiimbakan ng taba ang atay.

Ang ilan sa mga general symptoms ng lagnat ay pagkapagod, pamamawis, pangangaligkig, pagbaba ng timbang at kawalang-gana sa pagkain. Ang specific symptoms naman ay pananakit ng dibdib, pangangapos ng paghinga, skin rash, itchiness and change in pigmentation, enlarged nodes and joints and heart murmur.

vuukle comment

BUKOD

FEVER

GAYUNMAN

KAPAG

KARANIWANG

LAGNAT

MAAARING

MAHALAGA

REYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with