^

PSN Opinyon

Aksyon NGAYON - Open letter kay Erap

- Al G. Pedroche -
HINDI AKO HUKOM para maghusga. Kaya sa gitna ng mga akusasyon laban sa inyo Mr. President mananatili akong neutral o walang pinapanigan.

Subalit matindi na ang public perception laban sa inyo. Bagamat wala pang resulta ang imbestigasyon tungkol sa umano’y pagkakadawit ninyo sa jueteng marami na ang lumundag sa konklusyon na kayo nga’y nagkasala.

Rightly or wrongly,
hindi maaaring kuwestyonin ang perception ng taumbayan.

Pumutok ang eskandalo sa gitna ng mga krisis na kinakaharap ng bansa. Giyera sa Mindanao, pagbagsak ng value ng piso at ang tumataas na antas ng kriminalidad sa bansa kasabay ng pagtaas sa presyo ng mga paninda at serbisyo.

Hindi maaaring isisi kay Chavit Singson ang mga problemang ito dahil hindi pa man nagaganap ang exposé, naging steady ang pagbaba ng halaga ng ating salapi. Tumaas at patuloy pang tumataas ang halaga ng petrolyo at iba pang pangunahing bilihin at serbisyo.

Sabihin mang may outside factors na pinagmumulan ng ganitong sitwasyon ng bansa, everything reflects against your leadership. Kaya pagsabog ng pagbubunyag ni Singson na tumanggap kayo ng limpak-limpak na milyones mula sa jueteng, madaling napaniwala ang tao.

Mga mararalitang tao na umaasang hahanguin ninyo sa hirap pero hangga ngayo’y lugmok pa rin habang kayo raw ay nagtatampisaw sa karangyaan. Nagpapatalo daw at nananalo ng milyones sa sugal.

Ipit kayo ngayon sa kontrobersya.
Inamin niyong nagkamali kayo sa pagpili ng kaibigan. Pinatutungkulan ninyo marahil sina Singson at Atong Ang na matatalik ninyong kaibigan na nakinabang sa inyong liderato at ngayo’y pinagmumulan ng pinakamatinding problema ninyo.

Pero noo’y sinabi ninyong ‘‘walang kaibi-kaibigan, walang kumpa-kumpare at walang kama-kamag-anak’’ hindi ba?

Kunway ipinagbawal ninyo ang lahat ng sugal pero mananatili pa rin ang mga ito sa pangangasiwa ng PAGCOR na inyong isasapribado.

Lahat tayo’y naliliko. Lahat ay vulnerable sa kasalanan. ‘‘For all have sinned and have fallen short of God’s glory,’’ anang Salita ng Diyos.

Tulad ng panawagan Niya sa akin at sa ibang tumalikod sa Diyos, go back to God. Kilalanin ang pagkakamali, magsisi bago manalangin. I assure you Mr. President, you’ll feel the difference!

Iyan din ang panawagan ng Diyos sa buong bansa sa 2 Chronicle 7:14. Magsisi tayo at hanapin ang mukha ng Diyos. Magbalik-loob tayo sa Kanya at pagpapalain niya ang ating bayan.

Lahat tayo’y niyayanig ng Diyos para magsisi at magbalik-loob sa kanya.

vuukle comment

ATONG ANG

BAGAMAT

CHAVIT SINGSON

DIYOS

GIYERA

INAMIN

KAYA

LAHAT

MR. PRESIDENT

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with