^

PSN Opinyon

Banat ni BATUIGAS - Baka ang mahihirap din ang magpatalsik kay Erap

- Bening Batuigas -
PIGIL-HININGANG binabantayan ng masa ang susunod na aksyon ni Presidente Estrada ukol sa exposé ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na tumatanggap siya ng umaabot P400 milyon sa jueteng operations sa bansa.

Ang sa tingin ng masa, kailangang magkaroon ng swift and decisive action ang Presidente para nga maisalba niya ang nag-uumpisang lumulubog niyang administrasyon. ’Ika nga, kailangang magtapon ng excess baggage si Erap para hindi siya tuluyang makasama sa barkong lulubog.

Sa kasalukuyan kasi, ang minamasdan ng opposition at kritiko ni Erap ay yaong masa na nagluklok kay Erap sa puwesto noong nakaraang 1998 elections. Sa isip nila, kung ang masa ang naglagay kay Presidente sa puwesto, ang mga mahihirap na lalong naghirap sa liderato ni Erap ang siya ring magpapatalsik dito.

Kahit nga intelligence analysts ay nagsasabing kapag nag-alsa ang masa, kahit anong damage control pa ang gagawin ng mga handlers ni Erap sa Palasyo, wala na silang magagawa. Alam naman ng lahat na kapag gutom ang masa, ang desisyon nila ay tuluy-tuloy na.

Sa totoo lang, maraming masa ang natutuwa nang magbukas itong Bingo 2-Ball ni Atong Ang dahil nadagdagan ang kanilang araw-araw na panggastos. Biro n’yo, maliban sa kinikita nilang 40 porsiyento sa jueteng, ang karagdagang kita sa Bingo 2-Ball, kahit kapiranggot ay nakakatulong upang mairaos ang kanilang pamilya sa gutom.

Subalit nang magdesisyon si Erap na suspendihin ang Bingo 2-Ball, hindi ito masyadong ininda ng masa dahil may mapagbalingan pa sila. Nadismaya lang sila ng iutos na rin ni Erap ang malawakang kampanya laban sa jueteng.

Sa tingin nila, hindi naman sila mabigyan ng trabaho ni Erap kasi nga sa ngayon walang foreign investors na gustong pumasok dahil sa urong-sulong niyang liderato, ayon pa sa kanila. Gusto nang maniwala ng masa na totoo itong paratang ni Singson.Kaya’t dapat gumawa siya ng swift and decisive action, ito nga ay ang pagtatapon niya ng kanyang excess baggage

vuukle comment

ALAM

ATONG ANG

ERAP

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

MASA

PRESIDENTE ESTRADA

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with